EVANNAH AGAD akong sumunod kay Craig palabas bago pa sumara ang pinto. Ngunit hindi ko na siya inabutan kaya bago pa ako madakip ng mga pulis ay pumasok ako sa loob ng rest room. Dito lang ang chance na makalabas ng building na ito. Dalawang babae ang nakita kong naroon ngunit hindi ko na pinansin. Mabilis akong tumangala at nang makita ko ang ventilation ay mabilis ko iyon binuksan. Kita ko sa mukha ng mga ito ang pagtataka. Ngunit hindi ko na pinag-ukulan ng pansin. Sa isang iglap ay nakapasok ako sa loob ng kisame. “Wala kayong nakita or else babalikan ko kayong dalawa sampu ng pamilya nyo!” sabay gapang ko patungo sa kabilang dulo. Naulinigan ko pa ang mga boses ng mga pulis kaya mas binilisan ko ang kilos. Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ko man lang nagawang barilin