[Karl James] Umupo na ako sa shotgun seat. Si Bernie ang magmamaneho sa aming dalawa. Lagi naman niya ako ipinagmamaneho. Katwiran niya, iyon ang paraan niya para makabayad ng utang na loob sa akin. Ako ang panganay sa limang magkakapatid. Pangatlo si Bernie. Kaka-graduate lang niya sa College, at naghihintay siya ng resulta ng board exam para maging full pledged CPA na siya. Ang pangalawa na si Terence, ang siyang OIC ko sa opisina, kapag ganitong nawawala ako doon at may kailangan akong kausapin na mga kliyente o posibleng investor, katulad kanina. "Saan tayo, Kuya?" tanong ni Bernie, nang humalo na ang sasakyan namin sa mga sasakyang nasa highway. "Hanap ka ng mabibilhan natin ng Palabok," kalmadong sagot ko. Nakita ko sa sulok ng mga mata ko na lumingon sa akin si Bernie, tapos