Day 4. Alas onse na ng umaga. Kakatapos lang naming mag-almusal na apat, kasabay na ng tanghalian. In short, 'brunch'. Nagkayayaan kasi itong tatlo na maglaro ng baraha kagabi. So, sa halip na magmukmok ako, nakisali rin ako sa kanila. Sabi nga, if you can't beat them, join them. At mukhang pare-pareho lang kaming gustong palipasin ang ikatlong araw namin sa bahay na ito. Nung una, nakikinood lang ako. Pero, mga ilang round pa, nakisali na rin ako sa kanila. At si Karl James, bilang siya si Karl James, hindi siya pumayag na walang kalakip na tayang pera ang laro namin. At dahil natalo si Keeno, siya ang tagahugas ng pinggan sa buong araw na ito. Si Levi naman na siyang nanalo sa laro ay exempted sa lahat ng gawain sa bahay ngayong araw. Si Karl James naman ag bahala sa pagkain namin