"Kenn. Bakit hindi mo ako sinabihan na may nakuha ka, para sana nakapag-practice kami?" Narinig ko ang malutong na pagtawa ni Kenneth sa kabilang linya. ["Sorry... sabi ko nga sa 'yo hindi ko sure kung makakarating siya, kasi hindi na siya nag-reply sa akin."] "Okay. Fine. Tapos na naman." ["So, how was it? Your performance?"] "Good! Iba talaga ang pakiramdam ko kapag alam kong may kasama akong nagpe-perform sa stage. Nawala 'yung kaba ko." ["Magaling ka naman talaga, Atasha. Wala ka lang bilib sa sarili mo."] "Huwag mo na akong bolahin. Tapos na 'yung event," natatawa kong sagot sa kanya. Narinig ko ang pagtawa ni Kenneth sa kabilang linya. ["I am telling the truth. Magaling ka. Kulang lang sa emotions. Lagyan mo lang ng emotions ang music mo, and you are superb!"] "Oo na Sige n