Nang sa wakas ay natapos ang meeting. Sininop ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa. Nakita kong lumabas na si Levi sa meeting room. Hahabuliln ko sana siya, pero nakita kong nakatingin sa akin si Papa. Naglakad na ako papunta sa pintuan ng meeting room. Hinarang ako ni Papa at ni Lolo. "Atasha, are you going to have dinner with me and your Mama later?" tanong sa akin ni Papa. Ooops! Ano ba 'to? "Uhm, sorry 'Pa... but we already planned a night out later. I mean, w-wIth Aileen and Keeno. Of course," nautal ko pang sagot. "Ah, maybe tomorrow 'Pa. Doon ako magdi-dinner," pahabol ko pa. "Okay," sagot ni Papa, na may kasama pang pagtango. Palihim akong nagpasalamat. Himala na hindi niya ako pinilit na doon maghapunan sa bahay nila ni Mama. "And don't you forget, mi linda... " "