"Mam, eto na po iyong list ng mga chefs na nag-participate doon sa survey. Lahat naman ay willing to be interviewed, maliban sa isa." Ihiniwalay ko muna ang mga mata ko sa screen ng laptop ko, para tingnan iyong papel na dala ni Sugar. Yup. Natuloy iyong pa-survey ko. Levi approved the idea. Tinulungan pa niya ako sa mga questions na ilalagay doon sa survey. I just need twenty respondents, kaya mabilis lang namin nakuha ang result. "Sino diyan?" tanong ko kay Sugar, habang nakatunghay ako sa papel. "'Yang si Chef MDR." MDR? Initials niya kaya 'yun? "Did he put his reason why he doesn't want to be interviewed?" "Wala, Mam, eh.... naka N/A lang..." Nagkibit-balikat ako. Anyway, isa lang naman siya. May nineteen pa ako na possible for interview. "Siguro, may insecurity 'yan, Mam. Ay