"Hindi ka dapat sumasagot kung hindi ka kinakausap, binata." Napabaling ako ng tingin kay Redentor. Dapat bang idinamay ko pa si Redentor dito sa problema ko? Nandamay pa ako ng inosenteng tao. Bahagyang yumukod si Redentor kay Lolo Gener. "Pasensiya na po," kalmado niyang sagot. Paano niya nagagawang maging kalmado ngayon? "So, ano'ng gusto mong mangyari ngayon, mi linda?" tanong sa akin ni Lolo. Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na itatanong sa akin iyon ni Lolo. Ito ang hindi ko napaghandaan. Ang gusto ko lang naman ay inisin silang dalawa. Kay Papa ay nagtagumpay ako. Pero kay Lolo Gener? Ang hirap niyang basahin. "'Lo..." "Gusto mong umalis na iyong tatlo, hindi ba? Dahil may ipinakilala ka ngayong nobyo mo, gusto mong paalisin na iyong tatlo, at tapusin na ang inumpisah