CHAPTER 6 - INSECURITY

2195 Words
Kinukuskos ko ng tuwalya and basang buhok ko habang palabas ako ng CR sa resort kung saan kami naka-book nila Aileen at Keeno. Nadatnan kong nakaupo is Keeno sa gilid ng kamang inookupa ko at may kausap sa cellphone niya. Automatic na lumingon siya sa direksiyon ko nang narinig niya ang pagbukas ng pinto ng CR. Nagtama ang mga tingin namin, pero 'yung mata niya ay nagbabadya ng paninita. "Oh-ow..." "Yes, Tita. Don't worry po. Ako na po ang bahala." Sa tema ng pakikipag-usap ni Keeno, mukhang kilala ko na kung sino ang kausap niya sa kabilang linya. Napakagat-labi ako, at saka dahan-dahang naglakad papunta sa kabilang side ng kama, at saka kalmadong naupo doon, patalikod kay Keeno. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin, pero hindi ako nagpahalata sa kanya. "Sige po, Tita. I promise po. Bye." Okay. Eto na. Sitahan time na. Nasaan na ba kasi si Aileen? Wala akong kakampi dito. "Tasha." Lumunok muna ako bago inihanda ang sarili ko. Ini-ready ko ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko at sala ako kalmadong humarap kay Keeno. "Yes, Keen?" "Bakit hindi ka nagpaalam sa inyo? Akala mo, hindi nila mabubuko? Atasha, ipinagpaalam mo ako kay Papa at Tita Isa. Kaya for sure, kapag nagkita si Papa at Tito Rafa, mababanggit itong lakad natin na 'to. " Huminga ako nang malalim. There's no use of arguing with Keeno. Nagsinungaling naman talaga ako sa kanya. Pero si Aileen alam ang plano ko. Anyway, kahit naman magalit sa akin si Keeno, hindi rin naman niya ako matitiis na hindi batiin. "Keen..." "Don't use that name and tone to me, Atasha." Muli akong huminga nang malalim. Okay. Mukhang hindi ko muna madadaan sa lambing si Keeno ngayon. "Eh, kasi naman... You see... ipinagpaalam kita, para kapag nagkabukingan, hindi masyadong galit. Konting galit lang." Iminuwestra ko pa sa hinlalaki at hintuturo ko ang konti. "Bakit nga hindi ka nagpaalam sa kanila? Isa pa 'yang Aiileen na 'yan! Ang sabi mo lang daw, mag-stay ka muna sa bahay nila Aileen." Sakto namang pumasok si Aileen galing sa terrace villa na ino-occupy namin dito sa number one resort sa Cebu City. "Ano'ng kasalanan ko? Kadarating ko lang." Napalingon sa kanya si Keeno, sabay inihilamos ni Keeno ang kamay niya sa mukha niya. "Alam n'yo, maaga akong tatanda sa inyong dalawa. Matatanda na tayo, pero hanggang ngayon, ganyan pa rin ang ginagawa n'yong dalawa sa akin," may panunumbat at halong hinanakit na sabi niya sa amin ni Aileen. "Sorry na, Keen... baka kasi hindi matuloy itong lakad natin kapag nagpaalam ako sa amin. Alam mo namang ang gusto nila. Especially, Lolo. Ang mag-umpisa na ako sa AGC. Pakiramdam ko, hindi pa man ako nag-uumpisa, nasasakal na ako. Pwede naman sigurong huminga muna ako nang konti, bago nila ako isabak sa mabigat na responsibilidad." "Tash..." "All you need to do is talk to them. Kung hindi mo kayang kausapin si Tito Rafa o si Chairman, talk to your Mom." There it is again. Narinig ko na naman ang word na Chairman. "Siya ba ang kausap mo kanina? si Mama?" "Yes." "Mula pagkabata, wala na akong narinig sa bahay, kung hindi, 'yan ang gusto ni Chairman. Ayaw ng ganyan ni Chairman. Hindi pwede 'yan kay Chairman. Kailangan nating sumunod kay Chairman. F**k! Para silang mga robot na sunud-sunuran lahat kay Chairman! At ako? Gusto nila, ganun din ang gawin ko. Gusto nila, sumunod din ako sa kung ano ang gusto ni Chairman," inis kong litanya. Lumapit sa akin si Aileen, at saka naupo sa tabi ko. Hinagod-hagod niya ang likod ko, na para bang pinapakalma ako. "Tash, mga bata pa lang tayo, nasabi na sa iyo ni Tita Reina kung ano ang magiging kapalaran mo when the time comes, di ba? You are Ardiente's last heir. The last heiress, to be exact. You are destined to be Ardiente's brain and face. Kaya nga mga bata pa lang tayo, you were already trained on how to be a leader," paliwanag ni Keeno. "Kaya nga ikaw ang leader sa ating tatlo, Ata, eh..." singit naman ni Aileen. "At ikaw naman, Ai... instead of giving sane advices to Atasha, kinukunsinti mo pa, eh!" sermon ni Keeno kay Aileen. "Hala. Eh, follow the leader nga, di ba?" katwiran naman ni Aileen. "Ayan. Dahil sa kaka-follow the leader mo, pati sa kalokohan, kasama nitong si Atasha," nakasimangot na sagot ni Keeno kay Aileen. Inirapan naman siya ni Aileen. "Hmp! Ako na naman ang nakita mo!" "Magpakatino na kasi kayong dalawa. Ang tatanda na ninyo, para pa rin kayo iyong mga teenager na version n'yo dati. Alagain pa rin kayo. Paano kayo nabuhay sa US na wala ako?" "Sus! Puro party naman ang inatupag namin dun ni Ata." "Ai!" saway ko sa kanya. "What?" gulat na tanong naman ni Keeno, sabay tingin sa akin, na para bang kinukumpirma niya sa akin ang katotohanan ng sinabi ni Aileen. "O-Of course not! Kapag school vacation lang 'yung ganung mga party-party. Mga studious kami kapag may pasok, uy!" sagot ko, sabay bahagyang kurot kay Aileen. Pahamak talaga itong babaeng ito, kahit kailan. "Oy! Baka naman mga peke ang mga diploma ninyong dalawa, ha... Lalo ka na, Atasha. Malalagot ka hindi lang sa Papa mo, kung hindi sa buong Ardiente..." "Of course not! Hindi ko kayang gawin 'yun. Kahit hindi mo ako i-remind, I know what will be the consequences." "It's good you know. This will be the last time na tatakas ka ha, Atasha? Ako tuloy ang napahamak, eh." "Ha? Pinagalitan ka ba ni Tito George o ni Tita Clariz?" Bigls tuloy akong nag-alala pafra kay Keeno. "No. Not them. Si Kuya Arthur. Akala niya, kasabwat ako sa pagsisinungaling mo. Akala niya, gusto ko lang tumakas sa mga kailangang gawin sa office." Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala. Si Kuya Arthur. Si Kuya Arthur na yata ang nakilala kong super workaholic. Siya ang nag-iisang anak ni Tito George at Tita Clariz. Actually, crush ko dati si Kuya Arthur nung High School days namin nila Aileen at Keeno. Bukod sa napakaguwapo, ay very manly ang dating niya. Para bang ma-awtoridad. Ganun ang dating niya. Pero nung ma-discover ko kung gaano siya ka-workaholic, naglaho bigla ang paghanga ko sa kanya. Para kasing nakita ko sa kanya si Lolo Gener at Papa. Puro iyong kumpanya ang bukambibig. "Sorry, Keen... ako nang bahalang mag-explain kay Kuya Art pagbalik natin galing dito," hinging paumanhin ko kay Keeno. Silly me. Hindi ko man lang naisip na may mga taong pwedeng mapahamak sa ginawa ko. "What? Pagbalik natin? Akala ko ba from here, derecho tayo sa Davao?" sabat ni Aileen. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Keeno sa aming dalawa ni Aileen. "Salamat sa impormasyon, ha..." sarkastiko niyang sabi. ALAS-SAIS ng umaga. Nakaramdam ako ng gutom. Bumangon ako ng kama, at naglakad papunta sa mesang kainan. Kinuha ko ang isang sachet na kape. Nagpalinga-linga ako. Pero napagdesisyunan kong puntahan na lang si Keeno sa adjacent room. Itinulak ko ang pintuan, at tumambad sa akin ang tulog na Keeno. Lumapit ako sa kama, at saka padarag na naupo sa kama, dahilan para magising si Keeno. "Bakit?" aantok-antok pa na tanong nito. "Keen, timpla mo ako ng kape..." tapos ay ipinakita ko sa kanya ang sachet ng kape na nasa loob ng tasang hawak ko. Mariing pumikit si Keeno. "Tash... magtitimpla lang ng kape, gigisingin mo pa ako?" "Sige na, Keen... walang hot water, eh," sagot ko sa kanya, sabay pilit sa kamay niya nung tasa na hawak ko, kaya napilitan siyang kunin 'yun. "Atasha, magpapainit ka lang ng tubig dun sa electric kettle. Ganun ka-simple." Habang sinasabi ni Keeno iyon ay bumabangon na siya mula sa pagkakahiga niya. "Kaya nga. Maghihintay pa ko," nakasimangot na sabi ko, at saka ako nahiga sa kama niya. "Bakit? Kapag ako ang nagpainit ng tubig, hindi ako maghihintay?" "At least, ikaw ang maghihintay. Hindi ako." Pagkatapos ay pumikit ako. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama, meaning bumaba na sa kama si Keeno. "Titimplahin ko ba itong kape mo o matutulog ka?" narinig kong tanong niya, kaya agad akong nagdilat ng mga mata. "Patimpla na, please... Thanks, Keen..." sagot ko sa kanya, at saka muli akong pumikit. Pero bago ko naipikit ang mga mata ko ay nakita ko pa ang pag-iling ni Keeno, habang nakatingin sa akin. "Love you, friend..." Nagising ako sa mahihinang yugyog, kaya napilitan akong magdilat ng mga mata. Ang una kong nabungaran ay ang nakatayong si Keeno, habang hawak sa kamay niya ang isang tasa. Mukhang iyon na ang kape ko. "Akala ko ba magkakape ka? Bakit ka natulog?" inis na sabi niya, habang bumabangon na ako. "Naidlip lang... eto naman ang sungit." "Sino kaya ang hindi maiinis sa 'yo? Ginising mo ako para pagtimplahin ng kape, tapos ikaw ang matutulog?" inis pa rin na litanya niya sa akin, sabay abot sa akin nung tasa. Kinuha ko iyon mula sa kanya, at saka tinantiya ko ang paghigop sa mainit na kape. "Gusto mo ba ng bread? Meron pa ko dun sa take out ko kanina dun sa coffee shop." "Hmm. Hindi na. Okay na ko dito sa kape. Ang sarap mo talagang magtimpla ng coffee. Hindi nagbabago, ha... kahit noon pa, eto na 'yung timpla mo, kaya nga gustong-gusto ko, eh." Sumampa na sa kama si Keeno, at tumabi sa akin. "Ubusin mo na lang 'yan. Nambola ka pa," sagot niya sa akin, sabay sandal sa headboard ng kama. Sumandal din ako sa headboard. Humigop uli ako mula sa tasa, bago ko nilingon si Keeno. "Keen?" Lumingon din siya sa akin. "What?" "Sana, nanatili na lang tayong mga bata, 'noh?" Bahagyang natawa si Keeno. "Bakit?" nagtataka kong tanong. "I remember noong mga bata tayo, ang gusto mo, maging adult ka na agad. Tapos ngayon, baligtad naman? Ang gulo mo!" natatawa pa rin niyang sabi. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako sa harapan, at saka ako lumabi. Malalim ang hinugot kong hininga. "Akala ko kasi noon, kapag naging adult na ako... kapag nasa hustong gulang na ako, pwede na akong hindi sumunod sa gusto nila. Pwede ko nang gawin ang mga gusto kong gawin. Hindi rin naman pala..." "Tash... what you are thinking is impossible. Ikaw si Atasha Alonzo Ardiente. Ang nag-iisa, at huling tagapagmana ng mga Ardiente. It's your destiny. You are destined to be the heiress of the Ardiente Group of Companies. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay tanggapin kung ano ang kapalaran mo. Didn't you know na marami ang naiinggit sa 'yo? Marami ang naghahangad ng katayuan mo." Umirap ako sa hangin. "Akala lang nila masaya. Eh, di kung gusto nila... makikipagpalit ako sa kanila." Narinig kong tumawa si Keeno, kaya napaligon uli ako sa kanya. Tumatawa pa rin siya, kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit na naman?" "Parang ganun lang kadali, ah!" Bumuntonghininga ako. "How I wish." "Mababago lang siguro ang kapalaran mo, kung may susulpot at magsasabing anak siya ng Papa mo. "Yung mas matanda sa 'yo." Sinimangutan ko si Keeno. "Kung illegitimate child siya ni Papa, balewala rin." Nakita kong bahagyang napapitlag si Keeno. "Sorry for the word. Keen..." Bahagya siyang tumango-tango. "Yeah. I guess, ang hirap pa ring masanay... Ang hirap nung kilala ka ng mga tao bilang 'the illegitimate son of George Vidanes'. Ang hirap kumilos. Parang lahat nakabantay sa kilos ko. Dapat lagi akong mabait para wala silang maipintas sa akin. Dapat, wala akong magawang mali, para walang masabi ang mga tao na mataas ang tingin sa pamilya Vidanes." Sumandal ako sa balikat ni Keeno, at saka ipinatong ko ang isang kamay ko sa hita niya. "Keen... wala ka namang kasalanan. Wala rin namang kasalanan si Tito George at ang Mama mo. Masyado lang nilang mahal ang isa't isa kaya nangyari ang dapat mangyari. Mabuti nga, at mabait si Tita Isa at tinaggap ka niya sa buhay nila." Narinig ko ang marahas na paghinga ni Keeno. "Yeah. I am grateful for that. Pero naiilang pa rin ako kay Tita Isa. Hindi pa rin ako komportable sa kanya. Sa tuwing titingnan ko siya, naaalala ko lang ang kataksilan ni Papa at Mama sa kanya." Itinayo ko ang ulo ko, at tiningnan ko siya sa mukha. "Keen... why don't you try na alisin 'yun sa isip mo, at ituring mong tunay mong Mama si Tita Isa. Maybe it can help you. Try lang..." Tumango lang si Keeno. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hanggang ngayon pala ay dala-dala pa rin niya ang insecurity niya na 'yun. Sumandal uli ako sa headboard, at tumingin sa harapan. Pinanay-panay ko na ang pag-inom sa kape ko, dahil medyo lumalamig na ito. "Arranged marriages suck. Kung nagkatuluyan lang si Tito George at ang Mama mo, maybe mas masaya ka ngayon," sabi ko, habang sa harapan pa rin nakatingin, na para bang nakikita ko ang ibang buhay doon ni Keeno. "Eh, pa'no naman si Kuya Arthur?" narinig kong tanong ni Keeno, kaya tumingin ako sa kanya. Nag-isip ako ng isasagot kay Keeno, at saka nagkibit-balikat. "Baka hindi na siya mag-exist sa earth, kung nangyari 'yun!" "Baliw!" nakangiting sabi sa akin ni Keeno, sabay gulo sa buhok ko, dahilan para matakpan ng buhok ko ang mukha ko. "Keeno! Stop!" ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD