Mabibigat ang mga hakbang na pumasok ako sa loob ng kuwarto ko, at saka pabalibag kong isinara ang pinto. Nanggigigil na pinindot ko ang number ni Papa sa phone ko. Naglakad ako paroon at parito habang hinihintay ko ang pagsagot ni Papa sa tawag ko. Na para bang sa pamamagitan ng paglalakad na ito ay matutulungan ako nitong kumalma. Wala akong pakialam kung basa na ang flooring ng kuwarto ko. Ang tanging kailangan ko lang ngayon ay makausap si Papa. "Tash!" Napalingon ako sa pinto. Nasa labas si Keeno. "Tash. What are you trying to do? Don't be impulsive." "Shut up, Keeno. Isa ka pa! Better shut up kung ayaw mong sa iyo ko ibunton ang inis ko!" Wala na akong narinig na sagot mula sa labas ng pintuan ko. Siguro ay umalis na si Keeno. ["Atasha.'] Bigla akong nahinto sa pagmamartsa ko