CHAPTER 25 - THE CONCEPT PAPER, LEVI AND AILEEN

1578 Words

Lumabas na ako ng kuwarto ko para pumunta sa opisina ni Levi, nang harangin ako ni Sugar. "Mam Atasha, sa mini Conference Room daw po kayo ni Sir Levi ngayon." Agad akong napahinto sa paglalakad. "Ha? Kaming dalawa lang naman, bakit doon pa?" Nagkibit-balikat si Sugar. "Hindi ko alam, Mam. Itinawag lang sa akin ni Carissa." "Okay. Pero kapag maaga kami natapos, mag-uusap tayo mamaya. Okay?' Alanganing tumango sa akin si Sugar. Naglakad na ako papunta sa elevator, para umakyat sa 9th floor, kung nasaan naroroon ang mini Conference. Nagtataka naman ako kung bakit doon pa kami magkikita ni Levi, eh dalawa lang naman kaming magdi-discuss nitong sa concept paper. Ding! Humakbang na ako palabas ng elevator, at saka tinungo ang pupuntahan ko. May ilaw na sa loob nun kaya siguradong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD