CHAPTER 23 - LEVI & THE GANG

2040 Words

"Bakit kasama na naman natin 'yang CEO n'yo?" Kasalukuyan akong nakatingin sa dance floor. Sa nagsasayaw doon na sina Aileen at Levi. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Keeno, ramdam ko ang inis sa boses niya. Dinampot ko ang baso ko ng Bloody Mary, at saka uminom mula roon, at saka ko lang tiningnan si Keeno, na nakatingin pala sa akin. "Bakit ba ang init ng dugo mo kay Levi? Ano ba'ng ginawa niya sa iyo?" tanong ko kay Keeno. Nag-iwas ng tingin sa akin si Keeno. Siya naman ngayon ang tumingin sa gawi ng dance floor. Hindi ko alam kung sila Aileen at Levi ang tinitingnan niya. Pero hindi rin naman nagtagal at ibinalik din niya ang tingin niya sa akin. "Nakakailang kasi. Hindi ako sanay. Sanay akong tatlo lang tayo na lumalakad. Na dalawa lang kayo ni Aileen na inaasikaso ko,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD