Kinabukasan nang dumating ako sa AGC, hindi ko ine-expect ang nakita ko sa parking slot na pinag-awayan namin ni Levi kahapon, sa unang araw ko. Nakita ko ang maliit na signboard sa pader. RESERVED FOR AAA Bahagya pa akong nagulat nang may bumusina sa likuran ko. Tiningnan ko sa side mirror kung sino iyon. Hindi na ako nagulat na ang sasakyan ni Levi ang nakita ko. Bumaba ang nakangiting si Levi, at saka parang modelo na naglakad papunta sa sasakyan ko. Like yesterday, nakasuot din siya ng long sleeves na tinupi niya hanggang siko. Kung kahapon ay light gray with matching dark blue pants ang suot niya, today it is white long sleeves paired with khaki pants. "Didn't you like it?" tanong niya sa akin, sabay nguso sa bagong wooden signboard. Nanlaki ang mga mata ko, sabay napaawan