Araw ng flight namin papuntang Boracay and everyone is excited. Para na rin kasing bakasyon naming lahat ito. Medyo matagal na ding we didn't get a break, kaya this is an opportunity para makapag-unwind kaming lahat. Sina Papa at Mama ay sumama na din dahil inimbita sila ni Mrs. Davies, ilang beses na ngang lumabas sila ni Mama. Magkasundo ang dalawa lalo na kapag usapang designer bags. Si Yuehan ay kinuhang abay ni Mrs. Davies. Sina Ralph at Cath ay susunod na lamang daw sila kasi mahirap daw mag-travel kapag may anak. Kasabay nila si Brian sa flight nila, two days later than us. Ayon kasi kay Mrs. Davies na mas mabuting mas maaga kami pumunta kasi ang schedules ng flight ang sinunod namin. At para na din gamay na namin ang lugar na pagdadausan ng kasal. She wants me to be there para

