(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 26: YAKAP BLAIRE’S P. O. V. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo, anak?" Tanong ni Mamá. Bumuntong hininga ako ng malakas. Kanina pa sumikat ang araw. Nakahilata lang ako rito sa kama at nakatingin sa kisame. Pinagmamasdan ang butiki na nakatitig rin sa akin. Bilib rin ako sa mga butiki. Dahil para silang chameleon. Ginagaya rin nila kung ano ang kulay ng inyong kisame o haligi. Hindi ko pa rin lubos maisip na nasayang ang gabi ko. Ang relaxing at payapa kong gabi at binulabog niya. Nakakapanghina. Nakakainit ng dugo. Nakakabuwisit. Nakakagigil. Ewan. Para siyang kabute na sumusulpot kung saan. Tumingin ako kay Mamá na nakataas ang dalawang kilay.