(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 45: CALEB BLAIRE’S P. O. V. Mahigit tatlong minuto na akong pasan sa likod ni Caleb. Oo. Parang isang sako ng bigas niya akong inalsa. Nakakahiya nga dahil napahawah ako ng mahigpit sa kaniyang malaki at mabuhok na ulo. Parang tanga talaga. Kaya ko naman na maglakad lakad lang. “Ca-Caleb, y-you can put me down,” sabi ko. “I-I can manage myself to walk,” dagdag ko. Nakakailang kasi. Panay titig sa akin ang dalawa. At ang malala pa ay masamang nakatitig sa akin si Baldwin. “I will only put you down when we arrive there,” sagot ni Caleb. Ginagaya siya ni Baldwin. Sabay inambahan pa ako ng suntok. Napapitlag ako. Ano bang gusto ng lalaking ito? “Anong probl