Blaire's POV Tatlong araw na lang ang natitirang pamamalagi ko rito sa bahay. Kukunin na ako ng taong bumili sa akin. Mali. Hindi pala ako binili kundi ako ang kapalit para sa utang na kaniyang binayaran. "Oh, bilisan niyo na at malelate na tayo sa beach! Leonardo ang lotion ko nandiyan sa itaas ng cabinet. Pakibaba nga iyan dito at pakisama na rin ng shades ko. Bilis!," aligagang sabi ni Mamá. Pupunta kami ng beach ngayon dahil araw ng Linggo. Gusto kong sulitin ang huling family day namin. Baka matagalan ako bago makauwi o baka hindi na nga talaga ako makauwi. Hindi ko naman alam kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos ng pagkakuha sa akin? Malay ko ba kung isang sindikato ang bumuli at ang balak niya sa akin ay ibenta ang aking laman loob? O dika gawin akong katulong? Baka gagawin