CHAPTER 31: LAST DATE PART 2 BLAIRE’S P. O. V. “Okay lang. Magagalit sana ako sa’yo ngayon pero naalala ko. Gusto ko na ng closure. Opisyal na closure. Ayaw kong magalit ang mga magulang ko sa’yo at baka madamay pa ang mga magulang natin sa ating paghihiwalayan at sila naman ang mag-away. Siguro, mas makakabuti kung mananatili tayong magkaibigan na lang. Hindi nga yata tayo nakatadhana para sa isa’t-isa,” Tumango si Arturo sabay pilit na ngiti. Kita ko sa kaniyang mga mata ang sakit pero pinipilit niyang maging masaya. Sana nga ay magtino na siya, hindi pa pa la niya alam na bukas na ang alis ko. Ang kasunduan nama=ako ang mgiging kabayaran. “Kumain na na kaya tayo. Maaga pa akong uuwi dahil baka sumugod dito si Papá dala ang itak niya,” natawa kaming pareho at kumain. Noon una ay nagi