Ano na naman ba ang ginagawa niya rito? Inirapan ko siya ng malalala. Narinig kong tumikhim si Mamá at nagsalita. “Papasok muna ako sa loob at baka makalimutan kong tao pala ang kaharap ko,” sinadya niyang lakasan ang boses niya para marinig ng tao sa aming harap. Ikinuwento ko na ang lahat sa kanila. Sa mga magulang ko. “Ti-Tita---” pero agad pinutol ni Mamá ang sasabihin ni Arturo. “Huwag mo akong matita tita kung gusto mo pang makauwi sa inyo!” sigaw niya habang pinanlisikan ng mata si Arturo. Padabog na isinara ni Mamá ang pintuan sa kusina at dito ay narinig ko pa siyang nagsalita. “Kala mo naman talaga daks! Pwe!” Napayuko si Arturo at napahawak ng mahigpit sa isang bungkos niyang rosas. Tumayo ako at pinagkrus ang aking braso habang tiningnan ko siya. Ano na naman ba ang pakulo ni