Chapter 30: Stress THIRD PERSON's P.O.V Sa sobrang nangyari sa buhay ni Isla ay hindi niya namalayan na nasa last stage na siya ng second trimester ng pagbubuntis niya. Nagsimula na lumaki ang tiyan ni Isla simula ng magsimula ng maging six months ang pagbubuntis niya. At sa loob ng nakaraang ilang buwan ay maraming nangyari. Bukod sa wala namang nagbago sa pakikutungo ni Cyril at Cyrus sa kanya ay nagsimula naman mahirapan si Isla sa pagbubuntis niya. May mga araw kasi na hindi siya nakakapasok dahil nagkakasakit siya at minsan naman ay mabilis na siyang mapagod kaysa noong nasa first trimester pa lang siya. Kaya kapag maganda lang ang kondisyon ni Isla at saka lang siya hinahayaan pumasok ni Cyril at Cyrus sa kumpanya. Sinabihan pa nga siya ng dalawa na huminto muna sa pagtatrabaho

