Chapter 1

241 Words
"Matty, sasali ka ba sa paligsahan sa ating nayon?" tanong ng kanyang kaibigan. "Naku kayo na lang nahihiya ako." sagot ni Matty sa kaibigan. "Baliw ka, pupunta raw dito 'yong mayaman na may ari ng pinakamalaking mall dito sa atin." pagbibida ng kaibigan ni Matty. "Eh, ano naman ngayon?" taas kilay na sabi ni Matty. "Hina mo talaga, isa siya sa mga magiging judges, at take note wala pang asawa iyon, at super guwapo pa, kahit may edad na." pagyayabang ulit ng kaibigan niya. "Hay naku, alangan namang papansinin tayo noon, eh para nga tayong mga gusgusin." sabi ni Matty. "Hoy, ang ganda mo kaya kahit hindi ka kaputian." saad ng kanyang kaibigan. "Hoy, akala mo naman papatol ako sa matanda?" ani Matty "Kapag nakapag-asawa ka ng mayaman, naku titingalain ka ng lahat." taas noong sabi ng kanyang kaibigan. "Sa daming babae rito sa mundo, hindi tayo mapapansin ng mga mayayaman." ani Matty. "Basta sasali tayo huh!" paniguradong sabi ng kanyang kaibigan. "Ikaw na lang, h'wag na ako." ani Matty. Maganda at matalinong dalaga si Matty may pagka masungit nga lang ito. Wala pa rin siyang naging boyfriend kahit nasa tamang edad na siya. Naiirita siya kapag may lumalapit sa kanyang mga lalaki na gustong ligawan siya. "Basta sasali ka." pagpupumilit ng kanyang kaibgan. "Ewan ko sayo." sagot ni Matty. "Pustahan tayo." sabay bulong ng kaibigan niya ang kanilang pustaha n. "Ha?" halos lumaki ang mata ni Matty sa kanyang narinig.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD