Kabanata 3

1526 Words
Drunk PINAHARUROT ko ang sasakyan palayo sa restaurant. Ayoko nang magtagal pa roon dahil baka lunukin ko lang lahat ng sinabi ko at magpabola sa matatamis na salita ni Lester. Ayoko munang umuwi at magmukmok na naman sa bahay, kaya minabuti kong dumaan sa isang bar. Gusto kong makalimot kahit sandali. Pinili kong maupo sa stool na kaharap mismo ang bartender. “One tequila, please,” sabi ko. “Yes, ma’am!” Maya-maya pa ay inilapag ng bartender ang shot glass na may lamang tequila na in-straight ko naman agad ng inom. “One more, please!” Hindi ko pinansin ang lemon na nasa aking harapan. Ano pa ba ang mas papait pa sa nararamdaman ko? Kahit sipsipin ko pa ang lemon at tikman ang alat ng asin ay walang makadadaig sa nasa aking puso. “Heto po, ma’am,” he politely said when he gave me another shot. Muli ay deretso ko ’yong ininom. Nakailang shot na ako bago ko maramdaman ang tama. “W-Waiter . . . one more, please!” pabulol kong sigaw. My eyes were blurred. Ramdam ko na rin ang hilo. Kakamot-kamot ng ulo ang bartender bago kumuha ng baso. Nang tangkang iaabot na niya ang baso ay may isang kamay na umagaw niyon mula sa akin at tahasang ininom. “Hey . . . that’s my drink!” sisinok-sinok na sinabi ko. “You’re drunk,” a man said in his baritone voice. I chuckled and slowly lifted my head to look at him. “And who the hell are you?” I slurred. Ilang pagpikit din ang ginawa ko. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa kislap ng mga ilaw sa paligid. Pero mukhang matangkad siya. His jaw was prominent and perfectly sharp. When our eyes met, my heart throbbed. “Where is your place? I’ll take you home,” he softly said. “Sino ka naman para sabihin ko kung saan ako nakatira, huh?!” I exclaimed, nudging at his broad chest. Pansin kong matigas ang pangangatawan niya. Mukhang alaga sa gym. “You’re drunk. You can’t drive on your own,” he replied. Tumingin siya sa bartender bago may dinukot sa bulsa. “Keep the change.” Inabot nito ang bayad saka muling humarap sa akin. “Let’s go. I will take you home,” he said with authority. Dahil lasing ako ay wala akong nagawa kundi ang magpatan-gay. Hindi pa man kami nakalalabas ay nakasalubong na namin si Lester na halatang gulat na gulat nang makita kami. “Baby, what happened?”Agad na nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Lester dahil sa lalaking kasama ko. “Ano’ng ginawa mo sa girlfriend ko, ha?!” Sabay suntok niya sa katabi ko na bahagyang napaatras sa kaniyang ginawa. My jaw dropped. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa tagpong nakita. “Lester, ano ba? Stop!” Pero ’di pa rin nagpaawat ang dalawa dahil gumanti naman ng suntok ang lalaki kaya bumagsak si Lester sa sahig. Tatayo pa sana siya ngunit pumagitna na ako. “F*ck! I said stop!” I shouted again with all my might. “Margaux, hindi mo ba nakikita? Gusto kang pagsamantalahan ng lalaking ’yan!” Lester shouted back. Masidhi ang tingin niya. “Gusto lang niya akong ihatid pauwi,” I explained. D*mn it, why do I have to explain my side to this jerk? “At pumayag ka naman? Paano na lang kung saan ka niyan dalhin at pagsamantalahan ka?!” Nanlaki ang mga mata niya, nagngangalit din ang mga bagang dahil sa galit. The hell with his concern. “Wala ka nang pakialam kahit ano pa’ng gawin ko sa buhay ko dahil wala nang tayo. Wala ka na ring karapatan kung magpakaladkad man ako sa sinumang lalaki na gustuhin ko!” I said, full of rage. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Hinila ko na ang kamay ng lalaking kasama ko palabas ng bar. Deretso kaming sumakay sa kotse ko. Hinayaan kong siya ang mag-drive. Matapos kong sabihin sa kaniya kung saan ang condo ko ay sumandal na ako sa upuan at mabilis na hinila ng antok. Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa balikat ko. I slowly opened my eyes and looked up at the guy by my side. He has a perfect pair of eyes—brown eyes drilling into mine. I couldn’t help but think, I’d never seen such eyes with so much light in them. Nag-init ang dalawa kong pisngi dahil sa titig niya. Pinutol ko ang tingin at bahagyang inayos ang aking sarili. “Where are we?” “Nandito na tayo sa sinasabi mong condominium,” he said in a hushed voice. I cleared my throat and tried my very best to look away. “Uh, yeah . . .” Iyon na lang ang nasabi ko. Lumabas siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. I hesitantly went outside my car. Dahil sa pagkataranta at sa kalasingan ay nawalan ako ng balanse. Huli na para pagsisihan ko ang lahat dahil sumubsob na ako sa malapad niyang dibdib. His sturdy hands held me steady by the waist habang ako ay halos yakapin na siya. “You alright?” he whispered close to my ear. Hindi agad ako nakasagot. Paano ay tila mas nalasing ako sa amoy ng kaniyang pabangong nanuot sa ilong ko. D*mn, can I just rest here for a while? Ang bango niya . . . Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. I pushed him away. “Yes, of course!” Deretso na sana akong maglalakad palayo ngunit hindi ko mapigilang mag-ekis ang mga paa ko. Halos mapatalon ako nang bigla siyang humawak sa aking siko. “You’re still drunk. Saan dito ang unit mo?” tanong niya na hindi tumitingin sa akin. I slowly looked down at his long fingers. His hand was warm, it made me tremble. “Sa fourth floor . . .” paos kong sagot. Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan na sulyapan siya. He is tall and definitely handsome. His hair was slightly messy, pero hindi iyon naging daan para mabawasan ang malakas niyang dating. He was making me feel hot, kaya binawi ko ang tingin ko sa kaniya. Mabilis naman naming narating ang condo unit ko. Maluwang kong binuksan ang pinto. “Pasok ka muna. Want something to drink? Coffee, water, or juice?” I asked and smiled. “Coffee would be fine,” he answered in a low voice. I quickly nodded and walked toward the kitchen. Nasa living room naman siya. Nang makabalik ako ay naabutan ko siyang nakatalikod at nakapamulsang tumitingin sa mga picture namin ni Lester na nakasabit sa dingding. Tumikhim muna ako bago ko nilapag ang kape sa glass table. “Here’s your coffee,” I interrupted. Lumingon siya sandali pero muling ibinalik ang mata sa mga litrato. “Why? Is there something wrong with the photos?” I asked with curiosity. “No, nothing,” he said then chuckled. Kumunot ang noo ko. “What are you laughing at?” naiinis kong tanong. “Nakapagtataka lang kung bakit hindi natuloy ang kasal n’yo. Mukhang bagay naman kayo,” he commented bago sinimsim ang kapeng bigay ko at umupo nang nakade-kuwatro sa sofa. Lalong nangunot ang noo ko. Paano niya nalaman na hindi natuloy ang kasal namin ni Lester? “Is it in the news? Nabalita ang nangyari?” I said, exhaling. “No, hindi ko doon nabalitaan,” he answered quickly then smiled. “Kung ganoon, saan mo nabalitaan?” I asked impatiently. Sa totoo lang, hindi ko na sana tatanungin dahil wala na akong pakialam, pero nakapagtataka dahil hindi ko naman siya kilala. Tumayo siya at marahang naglakad palapit. He was an inch away from me bago ko maisipang kumurap. “Hindi mo ba ako natatandaan?” he whispered. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga na gustong ubusin ang natitira kong lakas. “Ako ’yong sinigawan at minura mo sa gitna ng kalsada. Remember?” Nanlaki ang mga mata ko. Anger started to stir up. “You!” Sabay tulak ko sa kaniya nang malakas habang naniningkit ang mga mata. “Hey, I have no intention of offending you,” aniya. Malapad ang ngiti niya na dahilan para makita ko ang mapuputing ngipin niya at ang kaniyang malalim na biloy. “Well, nice try, Mr. Antipatiko!” I arched my brow at him. “Look, I’m sorry! May hinahabol lang akong meeting noong araw na iyon,” sagot niya na sa kalmadong boses. Hindi ako sumagot. Imbes ay nilakad ko ang pinto at marahas iyong binuksan. “Makakalabas ka na!” may diin kong sinabi bago mag-iwas ng tingin. He smirked and slowly walked toward the open door. I stepped back para bigyan siya ng daan ngunit huminto siya mismo sa tapat ko. “Thanks for the coffee . . .” he muttered under his breath. I remained expressionless. Kung sa ibang pagkakataon sana kami nagkakilala, malamang ay inaya ko pa siyang kumain dito pero hindi, eh. ’Pag naiisip ko kung paano ako nagmukhang tanga sa gitna ng kalsada nang patulan ko siya ay unti-unti ring bumabalik ang inis ko sa kaniya. “Leave,” I said with finality. I don’t care if I sounded arrogant or lacking manners, pero bumabangon talaga ang inis ko. Humakbang pa siya nang isa matapos ay sandali akong niyuko. His eyes were intent on me and my heart pounded erratically. “Your ex-boyfriend will surely regret breaking your heart,” he said in a calm voice. I slowly looked up at him, mesmerized by his gaze. Bumuka ang aking labi sa nais sabihin ngunit hindi maisatinig. “And you know what . . .” sabi pa niya. “. . . mas mukhang bagay tayo kaysa sa ex-boyfriend mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD