PABALIK na sina Maryey at Sergio sa kanilang silid nang huminto sa paglalakad si Maryey. “Bakit, hon? May nararamdaman ka ba?” agad na tanong ni Sergio sa asawa. Mula sa pagkakatitig sa sahig sa may corridor sa second floor ng kanilang bahay ay umangat ang tingin ni Maryey sa guwapong mukha ni Sergio. “I have a request, hon.” “Ano ‘yon? ‘Wag lang lugaw na may dalawang itlog,” biro pa nito sa kanya na ikinangiti niya. Bahagya siyang umiling. “Hindi ‘yon, hon.” Animo naghihintay ito sa sasabihin niya kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Maryey. “Let’s make love for the last time.” Hindi niya inalis ang tingin kay Sergio. Napangiti ito. “M-make love?” anito na unti-unting kumunot ang noo. Tumango siya. Hindi maikakaila na nasurpresa ito sa sinabi niya dahil hindi naman talaga siya ang lag

