Kael “DR. KAEL” Guzman
“Alya?”
“Alya?”
Niyugyog ko siya at sinusubukang gisingin. Hindi ko inaasahan na magkikita kaming dalawa sa bar. Nagkabanggaan kaming dalawa at bigla na lang nagtingin sa isa’t-isa hanggang sa nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at maagap ako at agad ko siyang nasalo.
“s**t!” Napamura ako ng hindi pa rin siya nagigising. Tumingin ako sa aking paligid. ‘Mukhang siya lang mag-isa ang nandito ngayon,’ hinuha ko. I carry her as a baby. Itinago ko ang kanyang mukha sa aking dib-dib upang hindi makilala ng ibang tao.
Nang makasakay sa aking kotse, agad kong tinawagan si Kendric. “Bro, I can’t come tonight. May emergency lang akong dapat asikasuhin.”
“Pero sabi ni Abby nandito ka na raw sa bar?” tanong niya.
Hindi na ako nakapagsinungaling pa, “Oo! Nandito ako sa parking, paalis na rin ako. May pasyente kasi akong kailangan tingnan. Bye!”
Pagbaba ko ng tawag ay napatingin ako kay Alya na mahimbing nang natutulog. Napatingin din ako sa gawing bag na nakasabit sa kanya nang marinig ang ring ng kanyang cellphone. ‘Hindi ko gawaing maki-alam nang gamit ng iba pero iba ngayon. Kailangan kong maipaalam kay Yna ang nangyari sa kaniyang alaga.
“Alya, nasaan ka na?” tanong niya. Puno ng pag-aalala ang kaniyang boses. “Kanina na naghihintay ang driver d’yan sa parking.”
I skip the introduction. Magugulat lang siya kapag nalaman na ibang tao ang may hawak ng cellphone ni Alya. “This is Dr. Kael, Yna! Kasama ko ngayon si Alya. She pass out.”
“Pasensya ka na sa abala, Dr. Kael. Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan banda nakaparada ang kotse mo? Papapuntahin ko r’yan ang driver para sunduin siya.”
“No! Ako na lang ang maghahatid d’yan pauwi sa bahay ninyo.” Binaba ko ang tawag at binalik ang cellphone sa kanyang bag. I try to wake hher up, “Alya?” Habang tinatawag ko ang kanyang pangalan ay tinatapik ko ng mahina ang kaniyang pisngi. “Alya?”
“Uhm!” ungol niya. Nakapikit pa rin ang kanyang mata. Tumagilid siya sa pagkakaupo at binaluktot ang kanyang mga tuhod.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang kanyang tinig. Habang pinagmamasdan siyang nakabaluktot na parang sanggol ay namangha naman ako sa kaniyang itsura. ‘Hindi lahat ng babae ay maganda kapag natuulog.’
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa bintana ng aking sasakayan. Muntik pa akong mataranta dahil kasama ko ang isang artista. ‘Paano kapag may nakakita sa kaniya na magkasama kaming dalawa?!’ Napatingin ako sa gawing likuran ng aking kotse at nakita ang coat na nakasabit doo. Mabilis kong kinuha iyon at at tinakpan ang kanyang mukha.
Pagbaba ko ng bintana ay agad namang nagsalita ang lalaki, “Sir Kael,” tawag sa aking pangalan. Pinapa-abot po ni Sir Kendric,” sabi niya sabay abot ng isang paper bag.
“Thanks!” Sabi ko ng makuha ang paper bag. Nakita ko na naging mausisa rin siya sa katabi kong babae at pinagmamasdan iyon, “I have to go!” Dali-dali kong sinara ang bintana at binuksan ang makina ng sasakyan.
Tinawagan ko si Yna ng makarating na ako sa kanilang bahay. Hindi na ako naghintay ng matagal at mabilis naman binuksan ng guard ang gate. Pagpasok ng kotse sa loob ng garahe ay naroon na si Yna at hinihintay kami.
“Dok, sorry talaga sa abala.” Nahihi niyang sambit. Nang buksan niya ang pinto ng passsenger seat ay ginising niya si Alya ngunit mahimbing ang tulog at hindi talaga magising. “Alya! Nakakahiya na kay Dr. Kael! Bumangon ka na riyan,” naiinis na dugtong niyang sabi.
“I’ll help you,” sabi ko. Pina-urong ko siya upang mabuhat ko si Alya. “Ahh!” Sa slimming niyang pangangatawan ay hindi mo aasahang mabigat siya. Muntik na akong mapahiga sa kanyang ibabaw nang hindi ko nabalance ang aking sarili.
“Kala mo magaan, no?” rinig kong sabi niya. “Madaya ang katawan ni Alya. Kung titingnan mo ay payat siya pero siksik ang kanyang katawan.”
Ngumiti ako, “Oo nga po. Pero kaya ko naman siya.”
“Are you sure? Pwede naman natin siyang alalayan dalawa?” sagot niya.
“No need, Yna. Just lead the way,” sabi ko. Karga si Alya ay sinundan ko si Yna.
Umakyat kami sa second floor ng bahay. Sa pangatlong pintuan ay huminto siya at binuksan iyon. Ibinaba ko siya sa isang queen size bed. Nang maihiga siya sa kama ay naamoy ko naman ang pabango ng kanyang higaan. ‘Babaeng-babae ang amoy ng kanyang kwarto. Napansin ko rin ang makukulay na gamit sa kanyang kwarto.’
“Dr. Kael, gusto mo bang magkape muna o mag juice?”
Sabay kami ni Yna bumaba sa sala. Kinuha ko naman ang pagkakataon na ito upang kausapin si Yna. Gusto kong malaman ang dahilan ng kanilang pagpunta noon sa ospital.
“Yna, can I ask you something? This is too personal, kaya kung ayaw mong sagutin ay okay lang naman.”
Nakangiti si Yna, “Ano ba iyon? Basta kaya ko namang sagutin, e bakit hindi?!”
“May sakit ba si Alya?” tanong ko. “Nagpunta kayo sa ospital at gustong magpa-check-up sa akin, ‘di ba?”
“Ha?” gulat niyang sabi. “Naku, napaka personal nga masyado ng iyong tanong. Pagnalaman ni Alya na sinabi ko sayo, baka magalit sa akin iyon.”
“Yna, if she’s sick, mas kailangan na tulungan mo siya na magpa-doktor. Hindi dapat pinapabayaan ang mga symptoms about mental healt. Kapag naging worse ay mas mahihirapan siya.”
Nag-aalangan naman si Yna. Ilang beses pa siyang napalunok bago tuluyang magsalita.
“Thirteen years ago na diagnosed si Alya na may PTSD. Gumaling na siya sa sakit niyang iyon, pero lately napapansin kong madalas na naman siyang binabangungot. Kung minsan ay natutulala at wala sa kanyang sarili.”
“Is she stress in the past months bago ninyo ako puntahan sa ospital?”
“Stress sa trabaho. Simula kasi noong sumikat siya ay kaliwa’t-kanan ang mga project na hinahandle namin.” paliwanag niya. “Sa tingin mo ba Dr. Kael maaaring bumalik na naman ang kanyang PTSD?” May pag-aalala at takot sa boses niya.
“Possible, Yna!” direktang sagot ko.
Umiling-iling si Yna, “Diyos ko! Huwag naman sana, Dr. Kael.” Hinawakan niya ang aking kamay, “Tulungan mo naman ako, ayoko nang maulit ang nakaraan. Hindi ko kayang makita si Alya na ospita dahil lang sa binalak niyang magpakamatay. Please, Dr. Kael.”
“I’m willing to help, but I will not force her dahil desisyon niya iyon.”
“Ayaw na kasi niyang pablikan ang nakaraan, Dr. Kael. Kahit sa akin ay napakahirap na sariwain ang mga nangyari sa kanyo noon. Kapag naiisip ko ay tumatayo ang aking balahibo.”
“Ilan sa mga symptoms ng PTSD ay ang inaakto ni Alya. Like ayaw niyang pag-usapan ang problema. Nagiging denial sa kanyang sarili pretending she’s okay.”
“Kaya nga gusto niyang mag sponsor sa foundation mo, Dr. Kael. Gusto niyang makatulong sa mga taong iyon. Hinayaan ko na siya dahil kahit papaano ay magiging magaan ang kaniyang nararamdaman.”
‘’Tama ang aking hinala tungkol sa kanyang sakit.’
Nang maubos ko ang kape na aking iniinom ay nagpaalam na ako kay Yna. Nasa pintuan na ako palabas ng marinig ang sigaw ni Alya. Nagkatinginan kami ni Yna at dali-dali ko siyang sinundan paakyat sa kwarto ni Alya.
Habol-habol ni Alya ang kaniyang hininga. Butil-butil ang pawis sa kanyang noo.
“Alya?”
“Alya?”
“Alya?”
Umupo ako sa kama at dahan-dahan ko siyang ginigising.
“Alya?”
“Alya?”
“Alya?”
Nang magising ay bigla na lang siyang yumakap sa akin. Naramdaman ko ang higpit ng kanyang yakap dahil sa takot. Hinimas ko ang kaniyang likuran.
“It’s okay! I’m here! I’m just right here.” bulong ko sa kanyang tenga.
Naramdaman kong naging payapa na ang kaniyang paghinga. Ilang minuto pa ay nahimasmasan na siya. Inabutan siya ng tubig ni Yna nang humiwalay sa pagyayakapan naming dalawa.
“Dr. Kael?” mahina niyang sambit sa aking pangalan. Nilibot ang buong mata sa paligid. “A-anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya.
“Alya!” tawag sa kaniya ni Yna. “Si Dr. Kael ang naghatid sa iyo rito dahil nawalan ka ng malay sa bar.”
“Aalis na ako,” paalam ko kaagad. “Thank you for the coffee, Yna.” sabi ko. Tumingin ako kay Alya, “If you need anything, just go to my clinic or I can go here for your assessment.”
Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin sa aking sinabi.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang pilitin na magpatingin sa akin. Choice niya iyon, pero bakit naaapektuhan niya ako. Dapat ay hindi ko na siya pakialaman, pero in my heart and mind, gusto ko siyang tulungan. I want to know everything about her.
“Good morning, Kuya!” Hinalikan ako ni Kiendra sa pisngi. Umupo siya sa upuan kaharap ng aking lamesa. “Kuya nag transfer pala ako ng pera sa account mo.”
“Kanino galing?” walang buhay kong tanong.
“Sa kaibigan ko. She has a good heart, right? Hindi lahat ng babae pwedeng maging katulad niya. Wala siyang paki-alam sa kung magkano ang halaga.”
“Then, on behalf of me, say thank you!”
“Sure!” May kakaibang ngiti ang aking kapatid. “Kuya, gusto mo bang ipakilala kita sa kaniya?”
Tiningnan ko siya, “Kailan ka pa natutong mang buyo ng kapatid sa mga kaibigan mo?”
“Kuya, she’s different. I’m sure makakasundo mo siya. She has a background in medicine. Naiintindihan niya ang mga taong inaalagaan natin sa foundation. She’s talented, beautiful, ano pa ba? Lahat-lahat nasa kaniya na Kuya.”
“Si Irish ba iyan?” tanong ko. ‘I’m not interested!”
“Of course, not!” Tumayo siya sa kinauupuan at umikot papunta sa akin. Minasahe ang aking balikat. “Ipapakilala kita sa kaniya sa birthday ko.”
“I told you, I’m not interested, Kiendra. Huwag kang umasta na ala kupido o tulay sa lovelife ko!”
“Ang tanda mo na Kuya! Mag-asawa ka na kaya? Si Kuya Karson palaging busy, kaya hanggang ngayon wala pa silang baby ni Ate Diane.”
“Kasya ako ang binubuyo at ginulo mo rito, bakit hindi na lang ikaw ang mag-asawa?” balik kong tanong sa kaniya.
“Ayoko! Masyado pa akong bata!”
“Ang bata ay 1-year-old. You are already 28 and will be 29 in a few months.”
“Basta ipakapakilala kita sa kanya! Maganda ang combination niyong dalawa kapag nagka-anak kayong dalawa. Siguradong magkakaroon ako ng celebrity na pamgkin tapos magiging celebrity tita naman ang peg ko.” Parang nananaginip ng gising ang aking kapatid sa kaniyang pinagsasabi.
“Pwede ba, Kiendra! Umalis ka na rito. May mga dapat pa akong gawin. Kasya ako ang kinukulit mo rito ay pumunta ka na sa station mo at tingnan ang iyong mga pasyente.”
Inirapan niya ako. Nang makalabas sa pinto ay umiling-iling ako.
Nagro-rounds ako sa ward nang makatanggap ng isang tawag mula kay Jilian. Nasabi niya na may pasyenteng naghahanap sa akin.
“Natatandaan niyo po ba ang dalawang babae na naka-itim noon na nagpunta dito?”
“Yes, I remember.” Huminga ako ng malalim, “Telll them to wait. “May dalawang pasyente pa akong titingnan.”
“Okay, Dok! Willing po sila maghintay.”
Papunta na ako sa aking clinic nang muling makakuha ng tawag mula kay Kendric. Sinagot ko iyon.
“Sino ang kasama mo kagabi?” usisa niya. “Sabi ni Alfred may kasama ka raw babae sa kotse?”
“Ang dal-dal talaga ng driver mo na iyan, Kendric! At paano nya nalaman na babae ang kasama ko?”
“‘Wag na tayong maglokohan,” natatawa niyang sabi. “I think importante sa iyo ang babaeng iyon. Nagawa mong ipagpaliban ang bonding natin para sa kaniya.”
“Don’t conclude anything! Pasyente ko lang siya.”
“Whatever! Nakita mo na ba ang paper bag na ibinigay ko sa iyo?”
Napaisip ako sa tanong ni Kendric, “Nope! I’ll check later.”
“Okay! Call me when you see it.”
Totoo nga ang sinasabi ni Jilian. Nandito si Yna at Alya. Dire-diretso akong pumasok sa aking clinic. Pagpasok sa loob ay inutusan ko si Jilian na papasukin ang dalawa. Inabutan ko rin siya ng pera upang bumili ng pagkain naming dalawa.
“So! What bring you here?” tanong ko.