Kael “DR. KAEL” Guzman Pasado alas dies na nang makauwi sa bahay. Halos nasa kani-kanilang kwarto na ang lahat puwera sa dalawang kasambahay na nadatnan kong nag-aayos pa kusina. “Good evening, Sir Kael. Kakain po ba kayo? Para po mainit ko ang pagkain.” saad ng isang kasambahay. “No need, Manang. Salamat!” sagot ko. “Kumain na ba si Alya?” dugtong kong tanong. Tumango siya. “Opo, Sir. Pero konti lang ang kinain dahil may hinahabol daw po siyang gagawin na assignment.” Huminga ako ng malalim at niluwagan ang aking neck tie. ‘Dahil abala palagi sa pag-aaral ay napapabayayaan na niya ang kaniyang sarili. Kung minsan ay hindi pa siya nakakakain sa tamang oras dahil tinatapos pa ang mga assignment.’ Dumiretso ako sa study room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinisilip si Alya. Na