Kael “DR. KAEL” Guzman Nag-aayos ako ng aking kurbada ng makita si Alya na may ininom na gamot. Pinagmasdan at inobserbahan ko siya ng mga ilang minuto. Hindi niya ako napansin kaagad kaya nakita kong hinilot pa niya ang ulo. “Masakit ang ulo mo?” tanong ko. Lumapit ako sa kaniya. Nagulat siya ng makita ako. Inalis niya kaagad ang kamay sa paghihilot sa ulo. “Ah…Oo. Dahil siguro kulang ang tulog ko kagabi.” Nagtataka ako sa kaniyang sinabi. Maaga kaming natutulog dalawa. Si Kenjie naman ay bantay ni Yaya Mildred. “Bakit? Binantayan mo ba si Kenjie?” tanong ko. Umiling lang siya. “Hindi naman.” “Gusto mo magpatingin sa ospital?” tanong ko. Hinawakan ko ang kaniyang noo at kinapa kung mainit iyon. “Baka buntis ka?” Ngumisi siya. “Katatapos lang ng menstruation ko,” saad niya. Yuma