6 - Sympathy or Empathy?

2239 Words
Kael “DR. KAEL” Guzman Tumingin ako sa aking orasan habang hinihintay ang aking pasyente na bumaba. Mabuti na lang at masipag si Yna na mag-asikaso sa akin habang hinihintay namin si Alya. “Thank you in advance, Dr. Kael!” pasasalamat niya. “I’m just doing my job as his doctor, Yna. Please, don’t be too formal,” sabi ko. Nakangiti ako sa kaniya at kaswal siyang kinakausap. Sumasagot sa kaniyang mga tinatanong tungkol sa mga medication at therapy ng kaniyang alaga. “Kahit papaano ay maayos na ang kaniyang tulog, Dr. Kael. Hindi na ako nagigising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pagsigaw niya tuwing natutulog.” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. “That’s great, Yna! ‘Yun naman talaga ang goal natin, ‘di ba?!” Binaba ko ang baso na may lamang juice. “Mahihirapan lang ako sa psychotherapy niya. Last time na nag-usap kami ay hindi pa siya handang pag-usapan ang nangyari. Pero, I will try my best para malaman ang kaniyang totoong nararamdaman. Unti-unti alam kong makakapag-cope siya sa nangyari sa kaniyang buhay.” Ngumiti siya sa akin, “Totoo. Alam mo ba simula nang ampunin ko si Alya ay hindi naman ako nahirapan sa pag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti siyang anak, estudyante, at tao. Kaya nga hindi ako nagdalawang isip na suportahan siya sa lahat ng bagay na gustuhin niya. ‘Yun nga lang ang pangarap niyang maging psychiatrist o psychologist ay hindi na niya naipagpatuloy. Ayoko na namang ipilit sa kaniya dahil baka magkaproblema pa kaming dalawa, lalo na siya.” Tumatango-tango lang ako sa kaniyang mga sinabi. Sooner ay malalaman ko naman ang lahat-lahat. “Good morning.” Napatingin ako sa gawing boses ng babae. Pababa na siya ng hagdan. Magandang nakangiti na sumalubong sa amin ni Yna. “Good morning, Alya! Halika ka na rito at nakakahiya kay Dr. Kael. Kanina ka pa niya hinihintay.” Sandali akong natulala sa babaeng kaharap ko. Nakasuot siya ng floral pink dress, no make-up at tanging lipstick lang ay mayroon sa labi. Naka head band siya na may design na butterfly. “Shall we, Dr. Kael?” tanong sa akin. “Yes! Lead the way.” sabi ko. Inayos ko ang aking sarili upang hindi ipahalata sa kaniya ang aking pagkamangha. Bago sumunod kay Alya papuntang study room ay muli kong binalingan ng tingin si Ya na pangisi-ngisi. Halatang namumula pa ang kaniyang mukha. “Please seat down,” sabi niya pagpasok namin sa loob ng kwarto. Magkaharapan kaming dalawa. Ang kaninang masaya niyang mukha ay naging seryoso. May pagkakataon na inililihis niya ang kaniyang mata sa aking mga titig. Huminga siya ng malalim, ‘Let’s start?” sabi niya. “Go ahead! Just tell me about your family. Or anything you want to share with me. I’m your friend. And I’m willing to listen to every word you’ll say. I will not judge or misunderstood you.” Sumandal ako sa aking kinauupuan at kinomportable ang aking sarili. “How’s your childhood? Kamusta ka at ang pamilya mo noon bago ang traumatic experience mo, Alya?” Sumilay kaagad ang ngiti sa kaniyang labi, “Happy!” tipid niyang sagot. “Gaano kasaya? Can you explain or elaborate that word?” Magsisimula na ang assessment ko sa kaniya. ‘I’m willing to lend my ears, and shoulder para lang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.’ “Masaya kami bilang isang pamilya. Ang mga magulang ko at ang aking nakababatang kapatid. Punong-puno ng pagmamahal ang aming pamilya. Madalas kaming lumalabas noon at naglilibot sa parke. Kumakain ng masasarap na pagkain sa iba’t-ibang restaurant. Magkasundong-magkasundo kami ng kapatid kong babae, si Aliyah.” ‘Nasaan ang kaniyang kapatid na babae?’ tanong sa aking isipan. ‘Hindi na ako makapaghintay sa kaniyang mga ikwe-kwento.’ Nagsimula nang gumalaw ang kaniyang mga kamay at dine-demontrate ang bawat nangyayari, “Pinapasan ko siya sa aking likuran. Mahilig kaming umakyat sa puno ng bayabas kapag wala sina Papa at Mama. Minsan tumatakas pa nga kami ni Aliyah para makipaglaro sa aming mga kapitbahay.” Napatawa siya ng malakas, “Minsan nahuli kami nina Mama at Papa. Kumaripas kami ng takbo ni Aliyah pauwi. Tiyak pagnaabutan kaming dalawa ay malalagot talaga kaming dalawa.” Hindi naman pala ganoon kalungkot ang kaniyang buhay dahil may parte sa kaniyang isipan at nakaraan ang masayang mga pangyayari kasama ang kaniyang pamilya. “Natutuwa ang mga kalaro namin dahil lahat ng mga tsokolate at laruan na ibinibigay sa amin nina Mama at Papa ay ibinibigay namin sa kanila. Kaya nga bidang-bida kaming ni Aliyah. Madaming nagmamahal sa amin dahil mabubuti kaming mga bata. Kahit nga ang parents nila gustong-gusto kami. Kung minsan ay hinahatak na lang kami sa mga bahay-bahay upang yayain kumain.” Ngumiti siya at tumingin sa akin, ‘Ang sarap ng feeling na maramdaman sa ibang tao ang pagmamahal na dapat sa magulang namin nararamdaman.” “Paano mo naman nasabi? All the parents love their children.” “Siguro nga! They provide everything para magkaroon kami ng maayos na buhay, pero hindi naman iyon ang kailangan namin ni Aliyah. Masyado silang busy sa kani-kanilang trabaho kaya nawalan na sila ng panahon sa amin.” Naging malamig ang mukha niya, “Nagkaroon kami ng magandang bahay. ‘Yung pangarap namin na bahay na may swimming pool at garden. Nagkaroon kami ng sariling kotse. At marami pang iba. Akala nila sapat na ang materyal na bagay para punan ang kanilang pagkukulang.” “They sacrifice everything, Alya para mabigyan kayo ng maayos na buhay ng iyong kagabi.” “Oo. Kaya nga kahit papaano ay hinahangaan ko sila. Pero iba pa rin iyong may bonding kami katulad noong mga bata kami ni Aliyah. Simula kasi noong maging teenager kami ay parang wala na. ‘Ni sa school event, PTA meeting, at iba pang gatherings, mga yaya na lang namin ni Aliyah ang nag-aasikaso sa amin.” “And then?” “Alam mo ba masayang-masaya kami ni Aliyah nang madalas na naming makasama ang aming magulang. Akala namin magiging masaya na kaming muli, pero nagkamali ako. Nagkaroon ng malaking problema ang pamilya namin. I thought my parents are happily married, but it’s not.” Napangiwi siya. “Kung kailan naging malaki kami ni Aliyah at saka pa sila naging marupok.” Tumingin ng diretso sa akin si Alya, “Nagkaroon ng affair ang Papa ko sa isa nilang business partner ni Mama.” ‘A broken family?!’ ani sa aking isip. “Ang dati naming tahimik na buhay ni Aliyah ay naging magulo at maingay. Halos araw-araw nag-aaway sina Mama at Papa. Every words na lumalabas sa kanilang mga bibig ay hindi namin kinakaya.” Naging malungkot na ang emosyon ni Alya habang pinagpapatuloy ang kwento. May namumuong mga luha na rin sa kaniyang mga mata. “Nagsimulang magrebelde si Aliyah. Natuto siyang bumarkada. Nawalan siya ng ganang mag-aral. Sa hating-gabi tumatakas para makipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan. And then, one morning, nagising na lang ako sa hiyaw at iyak. Nagmamadali akong pumunta sa kinaroroon nila.” Bumuhos na ang luha sa mga mata ni Alya. Wala akong magawa kundi ang magpakatatag at pakinggan siya habang nailalabas niya ang kaniyang mga totoong nararamdaman. “Nakita ko si Aliyah. Nakalutang ang katawan sa swimming pool at wala ng buhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I want to save her. Ayokong maniwala sa mga nakikita ko. Halos ilang beses kong pagsasampalin ang mukha ko para magising sa bangungot na iyon. Pero totoo pala ang lahat. Iniwan ako ni Aliyah.” Pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata, “Kasalanan ko kung bakit namatay si Aliyah dahil wala akong kwentang kapatid. Hindi ko siya napangalagaan.” Napayakap na siya sa kaniyang dib-dib. “Bakit? Bakit niya ako iniwan? Bakit iniwan niya akong nag-iisa? Siya lang ang kinakapitan ko para magpakatatag, pero bakit bumitaw siya?!” Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kaniya. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at kinuha ang kinayang dalawang kamay. “Wala kang kasalanan, Alya!” pagkumbinsi ko sa kaniya. “Naging mahina siya dahil nagpatalo siya sa kaniyang sarili.” Itinaas ni Alya ang kaniyang kamay. Yumuko siya at ipinatong ang aking kamay sa kaniyang noo. “Kahit ako naging mahina pero hindi ko naisip na iwan siya. Pero siya bakit ang dali niya lang nagdesisyon na iwanan ako ng ganun-ganun lang?” tanong niya sa akin. Binawi ko ang aking kamay at niyakap siya. Tinapik ko ang kaniyang likuran upang pakalmahin. “Let’s end this session. Ituloy na lang natin ulit sa susunod.” bulong ko sa kaniya. Tumango lang siya. Panay pa rin ang hikbi at patak ng kaniyang luha sa mga mata. Ramdam ko iyon dahil basa na ang aking damit. Nang mapakalma siya ay hinaplos ko ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniya. ‘You’re so beautiful and strong woman, Alya. No matter what happen I will stay by your side. Hindi kita iiwan gaya ng iyong kapatid.’ Ang kaninang malungkot at madamdamin naming pag-uusap ay napalitan ng saya nang tumawa si Alya. “Sorry, Dr. Kael!” sabi niya at pinipilit nang ngumiti. “Sorry sa pagiging crying baby ko, hehehe.” “It’s okay!” seryosong sagot ko. “I’m just here!” “Mabuti na lang at hindi ako nagmake-up dahil alam kong papangit lang ako. Imagne, dahil sa kakaiyak masisira ang make-up tapos magmumukha akong witch. Siguradong pagtatawanan mo ko.” “Of course, not! Kahit siguro gaano pa kagulo ang make-up mo, maganda ka pa rin. In and out, you’re beautiful, Alya! Hindi mo ‘man nakikita iyon, pero ang mga taong nasa paligid mo kitang-kita kung gaano ka kaganda at katapang na babae.” “Biinola mo pa ako!” sabi niya. Hindi ko namalayang lumipas na ang ilang oras na magkasama kaming dalawa sa study room. Pati ang schedule ko ay nawala na rin sa aking isip. ‘Thanks to Jilian at tinawagan ako.’ Nang lumabas kami sa kwarto ay nagulat kami ng mabungaran namin si Yna na nasa pintuan. Nagulat ito pero agad na nagbigay ng paliwanag. “Dadalhan ko lang sana kayo ng miryenda. Baka kasi nagugutom na kayo,” palusot niya. “Thanks, Yna. Pero tumawag na kasi ang staff ko. Medyo na-late na kasi ako sa mga appointment ng patients ko. Maybe next time na lang kapag madami akong free time.” “Ah ganun ba! O sige, Dr. Kael.” “Yna, ihahatid ko lang siya,” paalam ni Alya sa kaniya. “O sige. Ibabalik ko lang ito sa kitchen. Hihintayin kita at tayo na lang ang kumain nito.” Habang naglalakad papuntang pintuan ay hindi tumigil ang pagkwe-kwentuhan naming dalawa. Mabababaw lang na mga bagay iyon pero hindi nakakasawa ang aming mga pinag-uusapan. “Thank you, Dr. Kael. Just text me next week kung kailan at what time ang session natin. Alam mo naman ang schedule ko. And sorry dahil na-atrasado pa ang iba mong lakad.” “No worries. Thank you.” “Thank you.” Paalam niya. Pagdating sa ospital ay dumiretso na ako sa aking clinic. Nakita ko ang mga pasyente na naghihintay doon. “Jilian, magtawag ka na ng patient.” utos ko. Past two na ng hapon nang matapos ako sa pagcheck-up sa aking mga pasyente. Pagkatapos ko silang tingnan ay sa ward naman ako nagpunta upang mag rounds. Ang iba ay naghihintay na ng discharge papers. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang aking trabaho. Habang nagpapahinga ay nakaramdam naman ko ng gutom. Simula ng umalis ako sa bahay ni Alya ay hindi na ako nakakain ng tanghalian o nakapag miryenda. Kinuha ko ang cellphone upang tingnan ang orasan. Kailangan ko pang pumunta sa foundation. ‘Doon na lang ako kakain.’ sabi ko sa aking isip. Hindi pwedeng pumalya ako sa pagbisita sa foundation. Bukod sa nami-miss ko ang aming mga inaalagaan doon ay ayokong maging kampante sa kanilang mga sakit. Nang makarating ako sa foundation ay halos lahat ay nagkakagulo habang kumakain. Naki-usisa ako sa kanila at mas lalong ginutom nang makita ang masasarap nilang kinakain. “Dok, kain po!” yaya sa akin ng isang nurse. Inabot sa akin ang isang bukas na pizza. “Kanino pala galing ang pagkain?” tanong ko. Sarap na sarap ko namang kinain ang pizza. Nang malasahan iyon ay agad kong tinanong ang nurse. “Erie Italian Restaurant ba ang nagdeliver dito?” “Opo, Dr. Kael.” Sabat ng isang nurse. “Si Ma’am Alya po ang nag-order ng lahat ng iyan para sa atin. Lumayo ako sa kanila at dinayal ang number ni Deserie. Alam kong busy siya pero gusto ko lang naman malaman kung totoo ang sinasabi ng aking mga staff. “Hello, Kael!” si Tyler ang sumagot. “Sorry, busy si Wifey kaya ako na ang pinasagot niya.” “Bakit ka napatawag?’ tanong ni Des sa kabilang linya. “Naka loudspeaker ka kaya magsalita ka lang.” “Nag order ba sayo si Amarie para dito sa foundation?” tanong ko. “Oo, nag-order nga siya.” “Pero nabanggit mo ba na ano -” “‘Wag ka mag-alala wala akong sinabi na kahit ano.” Sumingit naman sa usapan si Tyler, “Ano ‘yan? May tinatago ba kayong dalawa sa akin?” “Umiral na naman ang pagiging seloso mo, Tyler! Pwede ba tumigil-tigil ka riyan. By the way, Thanks again, Deserie. Bye!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD