Alya Maia “AMARIE” Rientes “Huwag na kaya akong pumasok?” tanong ko kay Kael habang yakap-yakap ang anak ko. “Sinat lang iyan. Ako na ang mag-aalaga sa anak natin.” Tugon sa akin ni Kael. Kinuha na niya sa akin si Kenjie. “Hinihintay ka ni Kuya at Ate Diane. Mag a-update na lang ako sa iyo from time to time.” “Kung tumaas ang lagnat ni Kenjie o maging iretable siya ay tawagan mo ako kaagad para makauwi ako!” Ngumisi si Kael, “I’m also a doctor Alya!” “Worried lang ako, hubby!” Niyakap ko silang dalawa at ayaw kong iwanan. ‘Hindi ko ata kaya ang ganito. Dapat ako ang nasa tabi ni Kenjie sa mga ganitong pagkakataon.’ Bago umalis ay hinalikan ko si Kenjie sa pisngi. “Pagaling ka baby ko,” bulong ko sa kaniya bago ulit halikan. Hindi ko rin nakalimutan halikan ang asawa ko bago umalis.