Matapos niyang iwan si Scarllet sa loob ng silid niya na umiiyak nagtungo siya sa mini bar sa ibaba para uminom ng alak at mahimasmasan sa ginawa niya kay Scarllet. Wala naman talaga siyang intensyong masaktan ang dalaga. Dala lang ng ginagawa nila kaya hindi niya napigilan ang sarili. Ganoon pa man mali siya. Una ang pagpatol palang niya kay Scarllet ang maling-mali na, dahil stepsister niya ito. Pinababantay pa naman si Scarllet sa kanya ng Daddy nito pero siya pa itong unang sumalakay kay Scarllet. Tiyak na hindi siya mapapatawad ng Daddy ni Scarllet pag nalaman nitong isa siyang bantay salakay. "Damn it!" Malakas niyang mura at sa sobrang inis niya sa sarili nagawa niyang ibato ang kopitang may lamang alak. Lumikha iyon ng ingay at kumalat sa sahig. "Damn you, Sebastian. Anong ginaw