"Dito ang guest room. Dito ka muna mag stay for tonight," sabi sa kanya ni Sebastian nang ihatid siya nito sa magiging silid niya. "Thank you," pasalamat niya sa binata at sinulyapan ang loob ng silid. Maganda at malaki ang loob ng silid. Halatang pag mayaman. "Magbihis ka na muna. Nag order na ko ng pizza for us, pagbaba mo ready na iyon," Sebastian said. Tumango naman siya sa binata at iniwan na muna siya nito sa loob ng silid. Humugot siya ng malalim na paghinga nang maisara ang pintuan ng silid. Sinandal ang katawan at mariing pinikit ang mga mata. "Anong ginawa mo Scarlett?' Tanong niya sa sarili. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naroon na masaya siya dahil kahit papano may progress ang pang-aakit niya kay Sebastian. Ito naman talaga ang nais niyang mangyari hindi ba? Pe