Mabilis na lumipas ang mga araw at nakabalik na nga siya sa pag-aaral sa tulong ni Joaquin. Aminin man niya o hindi si Joaquin lang talaga ang tutulong sa kanya sa mga panahong ito. Kailangan niyang tanggapin na walang ibang poprotekta sa kanya ngayon kundi si Joaquin. Mas may kakayahan si Joaquin kesa kay Chace. Nasa San Miguel na rin ang kaibigan niyang si Chace, iyon nga lang hindi pa sila nagkikita ng kaibigan. Wala pa kasing chance na magkita sila, dahil na rin sa hindi siya lumalabas ng bahay nu Joaquin. Takot din naman kasi siya kay Don Robert, tiyak na hindi siya basta-basta pakakawalan ni Don Robert, sa laki ng perang tinangay ng mga magulang niya. "Malapit na po Sir." Napakunot ang noo niya nang marinig na may kausap sa cellphone ang bodyguard na nakaupo sa passenger seat. "O