"Brianna! Brianna! Bumaba ka na diyan bata ka!' Sigaw ng Mommy niya sa kanya. Nasa loob pa siya ng silid niya pero dinig na dinig na niya ang sigaw ng Mommy niya sa ibaba. "Brianna!" Muli pang sigaw ng Mama niya. Kaya naman iritable siyang bumangon sa kama niya at lumakad na palabas ng silid. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang makabalik siya ng San Miguel after umattend sa kasal ni Scarlett at Sebastian. Isang linggo na rin mula ng makipag honeymoon siya kay Joaquin ang lalaking pinapangarap niya. At mula nang mangyari iyon hindi sila nakita pa ni Joaquin. Kung gusto siyang makausap ni Joaquin tungkol sa nangyari sa kanila sa Europe pwede siya nitong puntahan sa bahay nila. Alam ni Joaquin kung saan siya nakatira. Minsan na siyang na i rescue ni Joaquin sa isang bar nang subukan s