"Scar!" Masiglang tawag sa kanya ni Brianna nang makita siya nito sa campus. Excited pang tumatakbo ang kaibigan palapit sa kanya. Hindi naman niya magawang tumakbo rin para salubungin ang kaibigan. Medyo wala kasi siya sa mood. Wala nga siyang ganang pumasok sa school, kaya lang marami silang activity na gagawin kaya kailangan niyang pumasok kahit tamad na tamad siya. "Scar!" Tili pa ni Brianna nang makalapit ito sa kanya. Niyakap pa nga siya ng kaibigan ng mahigpit. Alam niya kung bakit ganito ang energy ng kaibigan. Narinig kasi niya kay Dr. Joaquin na nakausap nito si Brianna. Tiyak niyang ang ganap sa party ang nais ikwento ng kaibigan. "Scar hindi ka maniniwala sa ikukwento ko," excited nitong sabi sa kanya nang kumalas ng yakap. "Ano iyon?" Tanong niya at pinipilit na huwag ipaha