"Anong laro ito Scarlett?" Galit na tanong sa kanya ni Sebastian. "I will stay in your penthouse tonight, Sebastian and that's final!" Mariin niyang sabi kay Sebastian na balak pang tumanggi sa gusto niya. Planado niya ang gabing ito. Nagpaalam siya sa Daddy niya na makikitulong sa bahay nila Brianna at nakausap na rin siya si Brianna tungkol doon, kung sakaling tumawag ang Daddy niya sa rito alam na nito ang isasagot. Wala siyang planong hindi matuloy ang plano niyang makapag stay magdamag sa penthouse ni Sebastian at isa pa may kailangan silang pag usapan ni Sebastian tungkol sa nasaksihan niya kanina sa VIP room ng bar. Kitang-kita ng dalawang mga mata niya ang paghahalikan ng mga ito. Kaya dapat talaga na kausapin niya si Sebastian at pagsabihan ito. "Hell no, Scarlett!" Mariin p