"Kumusta ang pasyente? Nagkamalay na ba?" Tanong niya habang papasok sa silid kung nasaan si Brianna. Siya na mismo ang tumingin kay Brianna nang mag isa itong magtungo sa ospital nila at sakto pang nawalan ng malay sa bisig niya. Puno ng gasgas ang buong katawan ni Brianna at mukhang mataas ang kinabagsakan nito kaya namaga ang kaliwang paa nito. Hindi pa niya nakakausap ang dalaga, dahil wala pa itong malay kaninang iwan niya ito para mag rounds sa ibang pasyente. Wala siyang idea kung ano ang nangyari sa dalaga, dahil naihatid naman niya ito ng maayos sa bahay ng mga ito. Kung alam lang niyang mangyayari ito kay Brianna ay baka hindi na lang niya ito iniwan muna para sana naiwasan ang ganito. Hindi naman niya pinaiwanan si Brianna sa dalawang nurse na naka duty para ma monitor ang lag