Kumunot ang noo niya nang makitang umiiyak si Scarlett sa loob ng silid nito. Sinundan niya ang dalaga hanggang sa silid nito, dahil nga sa ginawa nitong pagsampal sa kanya. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang sampalin ni Scarlett. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may babaeng sumampal sa kanya at isang eighteen years old lang ang nakasampal sa kanya. Kaya niya sinundan ang dalaga para itanong rito kung para saan ang pagsampal nito sa kanya. Kung dahil ba sa hinalikan niya ito sa labi ng biglaan. Pero maraming beses na rin naman niyang hinalikan si Scarlett sa labi. Naisip rin niyang baka sumobra na siya sa pagka judgemental niya sa dalaga, lalo na pagdating sa personal nitong buhay at pagdating sa mga naging lalake na nito bago siya. Sinabi naman niyang balewala lang sa kanya ang