Mabilis nilang naihanda ni Sebastian ang engrandeng kasal nila sa Europe. Isang bongga ang hindi niya malilimutang kasal, malayong-malayo sa nauna niyang kasal sa San Miguel. This time may magandang gown siyang isusuot na tinahi pa ng sikat na designer sa Europe. May magandang bulaklak din siyang hahawakan. May mga bisita siyang makakasaki sa pag-iisang dibdib ng lalaking mahal niya. Marami rin siyang mga special dish na handa para sa mga bisita niya. Kaya naman matatabunan na talaga ang unang kasal nila ni Sebastian. Nagtungo ang Daddy niya at ang Mommy ni Sebastian sa Europe para masaksihan ang kasal nila. Lalo na ang Daddy niya na nalungkot ng sobra dahil sa napakapalpak niyang kasal noon sa judge. At least ngayon isang bonggang kasal na ang masasaksihan ng Daddy niya sa kanila ni Seba