"What the h*ll are you doing, Irish?" Inis niyang tanong sa babae at bahagya itong tinulak palayo sa kanya at umiwas. Niyakap kasi siya nito at akmang hahalikan sa labi. Umiwas siya dahil maraming tao sa paligid. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Irish sa lobby ng hotel, kung saan nakaupo siya at hinihintay si Scarlett. Siya kasi ang maghahatid kay Scarlett sa bahay ng mga ito. Katatapos lang ng debut ni Scarlett at siya ang naging escort nito. Siya na mismo ang nag alok kay Scarlett na maging escort nito, baka kase si Joaquin pa ang guluhin nito. Napakalakas pa naman ng loob ni Scarlett. Pag ginusto nito ginagawa nito. Nag enjoy naman siya kanina sa party, dahil nakita niya kung gaano kasaya si Scarlett sa birthday party nito. Nagningning din ang ganda ng talaga kanina. "What's wron