Pagdating sa penthouse ni Sebastian agad siyang nagsabi kay Sebastian na magbibihis muna siya. Naka uniporme pa kasi siya dahil nga dapat papasok siya sa klase kaya lang nag absent siya para nga magawa na ang plano niyang pagpapakilala niya kay Sebastian, para naman matigil na ito sa pag-aakusa sa kanya ng kung anu-ano. "Sa guest room ka na magbihis," tugon sa kanya ni Sebastian. "Mag swimming tayo. Magbihis ka rin," sabi pa niya kay Sebastian. Tumango naman ito sa kanya at kinuha ang mga paper bag na hawak nito at tumakbo siya paakyat ng hagdan. Sa guest room siya nagtuloy at agad na rin siyang nagbihis at naghanda ng sarili. Ito ang unang beses na gagawin niya ang bagay na ito, kaya dapat niyang siguraduhin na magagawa niya ng tama. Ito ang una at huling beses siyang magpapaangkin kay