Nagpatuloy siya sa paghalik kay Scarlett lalo na't tumutugon naman ang asawa sa halik niya. Hindi katulad kahapon halos hindi niya nahalikan ang asawa. Mukhang sinadya nitong hindi magpahalik sa kanya kahapon dahil nga hindi niya nahalikan ang asawa sa mismong kasal nila. Wala siyang intensyong hinding halikan ang asawa. Sadyang marami lang siyang iniisip noong mga oras na iyon kaya nawala na sa isip niyang halikan ang asawa. Pwedeng-pwede naman siyang bumawi ngayon. Sa sobrang kasabikan niya sa paghalik sa asawa nagawa na niya itong maisandal sa may kurtina para lalo niya itong mahalikan. "Aaahhh," ungol ng asawa nang pakawalan saglit ang labi nito para makasagap sila ng hangin. Saka muling sinubsob ang labi sa labi nito. Ramdam niya ang kasabikan sa bawat pag halik ni Scarlett sa kanya