HAVIANA KAEDE'S POV Maaga akong nagising dahil sa likot ni Viro matulog. Napadilat ako nang mapansin ko siya na mukhang hindi mapakali. Bigla itong bumangon habang hawak-hawak ang kaniyang ulo at mukhang takot na takot ang mukha. Nag-aala ko siyang hinarap at tinanong kung maayos lang ba siya. Nanatili lang siyang tahimik na para bang nag-iisip. Bahagya kong sinuklay ang kaniyang buhok, gamit ang mga daliri ko, para patahanin siya. Pansin kong putlang putla siya, at nanginginig pa ang mga labi. Bahagya ko siyang ginalaw dahil mukhang hindi ito nakikinig sa akin. “Viro, anong problema?” nag-aalalang tanong ko. Mukhang natauhan naman ito at mukhang nagulat pa at napalingon sa akin. Paos itong napahagulhol nang iyak sabay yakap sa akin nang mahigpit. Nagtataka ako sa kilos niya na para ba