Pagkarating namin sa bahay, bagsak-balikat akong napaupo sa couch, habang tahimik lang at nakatulala kami pareho ni Via. Nakatingin lang ako sa kawalan, habang nag-iisip nang kung ano-ano. Ang angas naman ng honeymoon na ito. Nakatulala lang. Napalingon ako kay Via na nakaupo at mukhang malalim din ang iniisip. Nilapitan ko siya, saka umupo sa tabi niya. Bahagya kong inayos ang buhok niya, at hinalikan siya sa noo. Masaya dapat kami. Masaya dapat siya kung sakaling totoong ama niya si captain Lucas. Ngunit naiintindihan ko rin ang reaksyon niya. Mukhang hindi nga maganda ito. Simula pa noong makilala ko si Via, ay napakarami niya nang pasan-pasang problema. At ngayon, pinupunan ko lang ang gulo sa buhay niya, pinupunan ko lang ang sakit sa ulo niya, and I feel very sorry for her. Tahi