Crimson Bullet AiTenshi March 23, 2021 Part 11: Ang sagot sa pag-iisa JORAD POV “Ganoon ba? Ang ibig sabihin ay mahihirapan akong alagaan ang mga ito?” tanong ko naman. “Parang ganoon na po ginoo,” ang tugon ng matandang tindero at habang nasa ganoong pag-uusap kami ay napukaw ang aking atensiyon sa kalsada kung saan may isang batang lalaki na nakasuot na barang basahan ang hinihinalahod sa lupa, nakayapak lang ito at mukhang pagod na pagod na. Ilang beses na ring hinila hila ng lalaki ang bata hanggang sa bumulagta ito at saka magdugo ang nguso at ilong. Walang sabi sabi ay agad akong umalis sa tindahan at dito nagulat ang lahat, “Panginoong Jorad, saan ba kayo pupunta?” ang tanong nila samantalang ako naman ay naglakad ng mabilis upang sundan ang batang nakagapos na para isang aso