Crimson Bullet Season 2 AiTenshi Part 41: Sumpa Niyakap niya ako ng mahigpit at saka hinalikan sa labi, "huwag kang mag-alala dahil mananalo tayo. Tayong dalawa laban sa lahat, laban sa mundo," ang bulong niya at habang nakayakap kami sa isa't isa ay siya namang pagsabog ng mga berdeng usok sa ulap. At mula dito sa aming kinatatayuan ay makikita mo ang maraming mga taong nakaitim na naglalakad patungo sa palasyo. Ang mga usok na iyon ay hudyat ng pagsalakay ng organisasyon. “Mukhang mas mabilis ang responde ng organisasyon ngayon kaysa dati,” ang wika ni Heneral Azusa sabay labas sa palasyo upang pagmasdan ang mga parating na miyembro ng organisasyon. “Tila yata nag-aapura ang organisasyon na makuha si Tenjo at maparusahan ako. Ang akala ba nila ay magiging maayos ang lahat sa kanil