Crimson Bullet Season 2 AiTenshi April 23, 2021 Part 50: Elyorac Noong tuluyang makalubog ang araw ay nag punas ng bibig ang at humarap sa aming dalawa. Nagliwanag ang kanyang mata at mula kadaliman ng kalangitan ay bumagsak ang kanyang hukbo animo nahuhulog na tao sa ere at kapag naabot nila ang lupa ay bigla silang magtatataikbo patungo sa mga Miryoku na kanilang naamoy. Nanatiling nakaharap sa amin ang lalaki at inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan, “Halika na, anak ko. Ikaw ay aming kalahi, ikaw ay nagmula sa akin,” ang wika niya sabay bitiw ng misteryosong ngiti. Humarang sa aking harapan si Jorad, “Hindi mo isasayad ang kamay mo kay Tenjo, dadaan ka muna sa akin!” ang seryosong wika nito. “Ikaw si Linus tama ba? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bawiin mo ang sumpa s