Crimson Bullet AiTenshi March 25, 2021 Part 17: Nakalalasong Dugo JORAD POV "Anong pampalinis? Anong itinurok mo sa kanya?" ang tanong ko na hindi maitago ang pag-alala "Panginoon, ang itinurok ng doktor sa kanya ay isang halamang gamot na gawa sa katas ng Mendula, isang halamang nagpapalinis ng dugo. Ang halamang ito ay madalang lamang tumubo kaya kaunti lang ang nakakakuha nito at sa kabilang banda ay kaunti lamang rin ang nakakaalam ng tunay na kahalagahan at gamit nito," ang paniwanag ni Carlton. "At ilang taon rin ang ginugol ko para sa gamot na ito. Balak ko sana itong gamitin sa aking anak pero namatay siya ng mas maaga. Nalason ito at hindi ko naisalba ang kanyang buhay. Sayang lamang at nahuli itong gamot na aking ginawa," ang malungkot na wika ni Doktor. "Kung ganoon, ano