Crimson Bullet Season 2 AiTenshi April 17, 2021 Part 45: Ang ngiti ni Jorad Maliit lamang ang enerhiya na iyon, para lang itong maliit na bola pero nabura na ang buong paligid, ang bahay ni Jorad ay naging abo at ang lawa ay halos natuyo na sa sobrang init. Wala akong makitang takot sa reaksyon ni Jorad, nasayangan lang ito sa kanyang bahay. Wala tuloy siyang magawa kundi ang mapakamot ng ulo habang pinagmamasdan ito. “Mukhang kailangan na nating bumalik sa palasyo, tapos na agad ang pulot pukyutan natin,” ang hirit pa nito pero hindi naman ako natawa dahil habang lumilipas ang segundo ay tila palakas ng palakas ang mga pwersang parating. “Mukhang malapit na sila panginoon, ito ang unang beses na makikita ko sina Dandaros at Castor, si Penelope ay dating kapanalig at nakasama natin