Chapter 22 3rd Person's POV; Tinanggal ng dalaga ang earpiece niya at hinabol ang binatang naglakad papunta kung saan. "Mylad---." "Mauna na kayo bumalik." Utos ng dalaga sa mga tauhang pasunod. "Hayaan niyo na siya." Pigil ni ni Crios sa grupong pasunod sa dalaga. "Parating na ang mga pulis umalis na tayo." Ani ni Rade dahilan para mabilis na sumunod ang ilan sa mga tauhan at dumaan sa fire exit. "Ano bang kailangan mo?" Walang ganang tanong ng binata ng makalabas sila sa conference hall ng maramdaman ang dalagang sumusunod sakanya matapos niyang magbihis "Marami kang kailangan ipaliwanag sakin...L." bulong ng dalaga pero hindi nagsalita ang binata at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Walang imik ang dalawa hanggang sa makarating sila sa isang village at huminto sa isa sa mga man