Kabanata Eight

2631 Words
Kabanata Eight Her POV Flashback Kahapon dapat kami aalis nila Rogi para lumipat ng bahay pero hindi nila nagawa kasi may mga inasikaso sila kaya hanggang ngayon andito pa din ako sa tinutuluyan ko buti na lang hindi pa nahahanap nila Jd kung asaan ako ngayon pero sa palagay ko sa gagawin ko na to mahahanap agad nila ko, alam kong hahanapin ako nila kuya Jace dahil wala ako sa bahay ngayon at malalagot ako sa kanila sa oras na malaman nila tong ginagawa ko pero kailangan ko tong gawin sa huling pagkakataon para kahit umalis ako nakita ko man lang sila. Dahan dahan akong naglakad papunta sa likod ng bahay namin, andito ako ngayon sa bahay ng mga tunay kong magulang para pumasok sa loob. Sa likod ako dadaan dahil hindi pwedeng sa harap dahil may bantay don, May maliit na pinto dito dahil dito dumadaan sila manang para itapon ang basura, may susi ako nito kasi bago ako umalis kinuha ko ang duplicate na to sa kanila ng hindi nila nalalaman. May aso kami dito pero hindi naman ako tinahulan dahil kilala na ko ng mga aso namin, dahan dahan akong nag lakad papunta sa may pool area nang makarating ako don may biglang tumawag sa pangalan ko na ikinalaki ng mata ko, akala ko tulog na sila ngayon dahil hating gabi na "Belle anak?" tawag nya sakin kaya dahan dahan ko syang nilingon at ng makita ko sya hindi ko mapigilan na umiyak, tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit dahil eto na ang huling beses na mayayakap ko sya “Mommy” sambit ko sa gitna ng pag-iyak ko"Anak! Jusko saan ka ba nag punta anak? Alalang alala kami ng daddy mo sayo, teka tatawagin ko sila”  sabi nya at humiwalay sa yakap ko at akmang papasok sa loob ng bahay pero pinigilan ko sya “Mom please wag po, wag nyo pong sasabihin kahit kanino na andito ako at nag pakita ako sa inyo please!” pakiusap na sabi ko kay Mommy kaya nagtaka sya “Anak bakit? Aalis ka ba ulit?” tanong nya sakin at nagsimula na syang umiyak "Mommy sorry pero aalis po ako ulit, please mom wag kayong mag alala sakin dahil okay lang ako kaya ko ung sarili ko wag nyo na kong hanapin pa mommy please lang, kaya ako andito ngayon kasi gusto ko kayong makita sa huling pagkakataon bago ako umalis. Mommy nakikiusap po ako sa inyo wag na wag nyo na po akong hanapin at pabayaan nyo na po ako” sabi ko sa kanya pero umiling sya at niyakap ako "Anak naman wag ganon, kung ano man ung problema kaya natin harapin yon tutulungan ka namin. Anak wag ka lang umalis gagawin ko ang lahat kasi hindi ko kayang mawala ka pa samin ng daddy mo, nawala ka na samin noong maliit ka tapos ngayong natagpuan ka na namin makalipas ang ilang taong paghahanap sayo mawawala ka na naman ulit! Anak hindi ko na kaya” sabi nya sakin kaya bumuhos na ang mga luha ko. Hindi ko man gustong gawin to pero kailangan kong lumayo sa kanila para hindi na sila mahirapan dahil ayokong makita silang nahihirapan dahil sakin lalo na sa sakit ko. "Mommy please po, mahal na mahal ko kayo. Hindi naman po panghabang buhay babalik naman po ako pero sa ngayon kailangan ko lang po talagang umalis” sabi ko sa kanya at humiwalay sa yakap nya “Belle kung ang lolo ni JD ung problema wag mo ng intindihin yon gagawan namin ng paraan. Mahal na mahal ka ni JD anak” sabi nya sakin kaya umiling ako "Mommy hindi lang po yon ang issue saka wala na kami ni Jd at kahit pa mahal namin ang isa’t isa hindi talaga kami ang nakatadhana para sa isa’t isa. I'm sorry po pero kailangan ko tong gawin mommy mahal na mahal ko kayo wag nyo yang kakalimutan yan, darating ung panahon na babalik ako at pag balik ko okay na ung lahat wala na akong problema! Kaya please let me go mom!" sabi ko sa kanya at inalis ang kamay nyang nakahawak sakin at naglakad palayo sa kanya. Napakasakit pero kailangan ko tong gawin "Belle!” sigaw ni mommy sakin pero hindi ko sya nilingon at patuloy lang ako sa paglakad palayo sa kanya kahit masakit para sakin to “Mark! Tawagain mo ang daddy mo, pigilan mo ang kapatid mo” sigaw ni mommy kaya mabilis akong tumakbo at sumakay sa kotseng sinakyan ko kanina at tuluyan ng umalis sa bahay na yon. Alam kong hindi tama to para sa kanila pero para sakin eto ang nakikitang tama sa panahon na to. Nag drive ako palabas ng village at umuwi sa bahay na tinutuluyan ko, bago ako pumasok sa loob ng bahay inayos ko muna ang sarili ko saka pumasok. Pagpasok ko sigaw agad ni Rogi ang bumungad sakin “PUTANG INA Belle San ka nag punta?” tanong nya sakin kaya napayuko ako "Sorry" sabi ko sa kanya at napasapo sya sa ulo nya at umiling "Alam mo bang sa ginawa mo na yon mapapahamak ka? Tayong lahat?" sabi nya sakin "Gusto ko lang naman mag paalam kay mommy kahit sa huling beses lang na to” sabi ko sa kanya "Eh bat mo pa kasi gustong umalis? Ginagawa mo Lang komplikado ang lahat para samin” galit na sabi nya sakin kaya hindi na ko kumibo "Wag na kayong mag talo! Kailangan na nating umalis dito dahil alam na ni Mark na andito si Belle, nahanap na nila ang lugar na to” sabi ni Kuya Jace samin kaya napailing na lang si Rogi saka lumabas ng bahay "Kuya Mali ba?" tanong ko sa kanya at lumapit sya sakin saka ako niyakap "Oo Belle sa simula pa lang mali na tong ginagawa natin! Alam na alam mong hirap na hirap kaming gawin to pero ano ginagawa mo ngayon? Kung gusto mong makita at makasama sila tita sana hindi ka na lang umalis! Belle alam kong bukod sa dahilan mo kay Jd at dyan sa letche mong sakit may iba ka pangtinatago samin kaya mo gustong umalis! Umamin ka Belle ano pa ang dahilan mo?" tanong nya sakin at hindi na nya na pigilan na magtaas ng boses kaya humiwalay ako sa yakap nya at umiling sa kanya “Please kuya wag mo ng itanong pa” sabi ko sa kanya kasi hindi na dapat nila malaman ang isang rason ko kung bakit ako aalis kasi para sakin na lang yon "Paano ka namin natutulungan kung hindi mo sinasabi ung totoo mong dahilan” sabi nya sakin pero umiling lang talaga ko sa kanya "Wag ngayon Kuya dahil hindi ko pa kayang sabihin sa inyo ang isang rason ko kaya ako aalis, malalaman nyo din naman sa pagdating ng panahon” sabi ko sa kanya "Bahala ka Belle kung yan ang pinipili momg desisyon wala na kong magagawa, ayusin mo na ang gamit mo dahil aalis na tayo” sabi nya sakin at sinundan si Rogi sa labas. Pumasok ako sa kwarto ko at don ko ibinuhos lahat ng luha ko habang inaayos ang mga gamit ko. Alam kong sa pag-alis ko na to madami ang sinasaktan pero magiging masaya din naman sila pagkatapos nito, kailangan lang nilang matutong bitawan ako. After one year Ang Ganda ng langit ang aliwalas at ang sarap pagmasdan ng payapang kalangitan "Ms. Belle you need to rest" sabi nya sakin kaya tumango ako "Okay" sabi ko sa kanya at tinulak na nya ang wheelchair pabalik sa kwarto ko. Isang taon na ang nakalipas simula noong umalis ako ng Pilipinas at ngayon andito na ko sa US para magpagaling sa sakit ko, last month inoperahan ako dito sa ospital na to pero hindi ko pa din masasabi na okay na talaga ako kahit pa sabi ng mga doktor ko successful naman ung operation ko pero hindi pa din natin masasabi ang pwedeng mangyari, ilang buwan na kong nakaconfine dito at hindi ko alam kung kelan ba ko madidischarge "Can you please leave me alone for a while” sabi ko sa naka assign na nurse sakin ng maibalik nya ko sa kwarto ko "Yes Miss" sabi nya sakin at lumabas na, tumayo ako sa wheelchair ko at bumalik sa higaan ko para humiga. Sa loob ng isang taon wala akong natatanggap na balita tungkol sa Pilipinas kahit na lagi akong pinupuntahan ni Rogi dito. Alam kong may gusto syang sabihin sakin pero alam din naman nyang hindi ako makikinig dahil may usapan kaming dalawa na ayokong makatanggap ng balita mula sa mga iniwan ko sa Pilipinas. Si Rogi ung andyan nung inoperahan ako at sya din lahat ang nag aasikaso sakin simula non, nang makarating ako dito hindi naman ako agad nag pa admit dahil gusto ko munang mamuhay ng malaya pero saglit lang yon dahil pinagalitan ako ni Kuya Jace kaya wala akong nagawa kung hindi ang patingnan ang kalagayan ko, good thing maayos naman ako dahil na din mas advance dito at may tamang lunas sila para sa sakit ko kaya hindi na ako ganong nahirapan. Pag nakalabas na ko ng ospital ngayong linggo tulad ng naririnig ko sa kanila pero hindi pa din ako sigurado. Kinausap ko naman na si Rogi sa gusto kong mangyari na gusto kong pumunta ng ibang bansa, sa UK dahil mas madali kasi kay Rogi pag asa UK ako dahil meron silang business don at mas malaki ang business nila don kesa dito sa US saka kung andito ako sa US mahihirapan lang din ako sa pagtatago ko dahil hindi malabong trace nila ko at magtagpo ang mga landas namin dito dahil alam kong karamihan ng negosyo ni Dad andito din sa US at ganon na din ang isang taong iniiwasan kong makita "Belle" tawag sakin ng kakapasok lang kaya tiningnan ko sya at ngumiti ako ng makita ko sya "Kuya!" tawag ko sa kanya at umayos ng upo "Mukang okay ka na nga talaga” sabi nya sakin at ngumiti saka ako nilapitan “Nga pala ung request mo dala ko na"  sabi nya sakin at inabot sakin ang isang envelope “Thank you kuya, sobra akong nagpapasalamat sa tulong mo sakin” sabi ko sa kanya "Wala yon, Andyan na din pala ung ticket at visa mo. Susubukan kitang dalawin don pero baka matagalan pa! Si Rogi na muna ulit ang bahala sayo pag dating mo don!" sabi sakin ni Kuya Jace kaya tumango ako sa kanya “Okay Kuya” sabi ko sa kanya, nag stay sandali si Kuya pero umalis din sya dahil madami pa daw syang gagawin. After an hour dumating naman ung doktor ko para icheck ako at nag bilin lang sakin, sinabi na din nya na pwede na kong lumabas kaya nakahinga ako ng maluwag dahil don. Makakaalis na din ako, napalingon ako sa pinto ng may kumatok don "Come in" sabi ko at pumasok don ang isang taong malaki din ang utang na loob ko "Belle, how are you?" Tanong nya sakin ng makapasok sya at lumapit sakin "I'm fine Kuya Dan” sabi ko sa kanya at ngumiti "Good. May dala akong pag kain para sayo bumisita lang ako saglit! Aalis na din ako gusto ko lang makita kung okay ka na!" sabi nya sakin “Okay na ko kuya Dan at salamat sa lahat ng tulong mo kuya kasi kung hindi din dahil sayo baka nahanap na nila ko” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin saka hinaplos ang buhok ko "Don't mention it Belle! Malaki din naman ang naitulong mo sakin" sabi nya sakin "Pero thank you pa din kuya” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin “Aalis na ko Belle, hindi ako pwedeng magtagal dahil makakahalata sila sakin kung magtatagal ako. Kasama ko kasi sya ngayon at nagpaalam lang ako na may bibilin” sabi nya sakin kaya nanlaki ang mata ko “Kuya” sambit ko “Wag kang mag-alala dahil wala syang magagawa para hanapin ka dito dahil wala kaming oras, babalik na kami bukas satin” sabi nya sakin kaya tumango ako “Ingat ka kuya at salamat ulit” sabi ko sa kanya “Nga pala pupunta si Rogi dito mamaya, kasama nya lang ngayon sya para makaalis ako at mapuntahan kita” sabi nya sakin kaya tumango ako at umalis na sya.  Rogi is always stay by my side simula pa lang nung una pero don't get me wrong ung amin ni Rogi matagal ng tapos. Sadyang mag best friend lang tagala kami saka alam ko naman na parehas na kaming walang nararamdaman sa isa't isa. One day Rogi will find a girl na mamahalin nya ng lubusan. Naiwan na lang ulit ako sa kwarto ko kaya nagmuni-muni muna ako ng mga ilang oras hanggang sa may pumasok at lumapit sya sakin "Ehem! Mukang malalim ang iniisip natin dyan ah" sabi nya sakin kaya tiningnan ko sya at ngumiti lang "Nga pala nasettle ko na lahat ng kailangan mo sa pag alis mo pati na din ung tutuluyan mo don okay na” sabi nya sakin “Thank you so much! Pero gusto ko sana na pag andon na ko gusto ko na ako na lang muna bahala sa sarili ko dahil sobrang dami nyo ng naitulong sakin lalo ka na Rogi ayoko ng maging pabigat pa, ayos naman na ko” sabi ko sa kanya pero umiling sya "Belle!" reklamo nya sakin "Just agree Rogi saka hindi naman na ko aalis ng UK eh. Gusto ko lang na mamuhay ng ako don ng ako lang saka madami kang ginagawa Rogi, inaasikaso mo ang negosyo nyo. Masyado ko na kayong naabala saka madami ka pang aasikasuhin Rogi baka magtaka na sila sayo kung bakit pa laging umaalis lalo na sila tito” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya. "Sigurado ka ba dyan sa gustong mong mangyari na hahayaan na kita don?” tanong nya sakin kaya tumango ako. Gusto kong mabuhay na ako lang muna at hindi nakadepende sa kanila dahil kailangan kong sanayin ang sarili ko na hindi sa lahat ng oras andyan sila para tulungan ako sa oras na kailangan ko sila. Dapat matuto akong mamuhay ng mag-isa. "Oo naman! Don't worry hindi ko naman kayo pinipigilan na puntahan ako pero wag na ung tulad ng ngayon na sobrang dalas, okay lang na dalawin nyo kong once or twice every three months” sabi ko sa kanya “Okay wala naman kaming magagaw kung yan ang gusto mo” sabi nya sakin kaya ngumiti ako "Thank you talaga Rogi” sabi ko sa kanya "Always remember that if you need our help you just need to call us at liliparin namin kung asaan ka man” sabi nya sakin kaya natawa ako at tumango sa kanya. Alam ko naman na hindi nila ko papabayaan. One year later Sa mga panahon na lumipas at nag daan madaming nag bago at meron din naman na hindi, sa buhay ng isang tao hindi mawawala ung mga pag subok na parang ulan o bagyo pero pagkatapos naman ng lahat ng yon may magandang mangyayari pa din sa buhay natin, parang bahaghari na pag katapos ng ulan may lilitawa na liwanag. So far so good ung paninirahan ko dito sa UK, madaming akong nakilala na naging parte na ng buhay ko at thankful ako sa kanila kasi sila ung naging sandalan ko sa bagong yugto ng buhay ko ngayon at dito unti-unti nakakabangon ako sa sarili ko. May isang tao din na simula noong nagkakilala kami naging malapit na kami sa isa’t isa at naging sandalan ko sa isang taon na pamamalagi ko dito. END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD