Kabanata Six

2721 Words
Kabanata Six Her POV Bago ako umakyat sa taas kinalma ko muna ang sarili ko, paniguradong magtataka si Tristan kung bakit namumula ang mga mata ko at kung bakit ako umiyak. Nang masiguro kong ayos na ko umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto nakalaan para sakin, buti na lang hindi ko nakasalubong si Tristan dahil alam kong malalaman nya na may iniisip ako ngayon. Pagpasok ko sa kwarto humiga agad ako at unti unting bumalik sa alaala ko ang nangyari sa five years ago simula noong umalis ako hanggang sa mapunta ako dito. Flashback Tapos na samin lahat ni Jd simula ngayon at wala na kong babalikan pa, buo na ang desisyon ko para gawin to kahit na alam kong magagalit si Kuya dahil hindi ako tumupad sa usapan namin pero eto ang planong matagal ko ng gustong gawin para makalayo sa kanila. Kailangan kong magpaalam sa kanila lalo na kay Kuya kaya kunuha ko ang cellphone ko saka tinawagan si Rogi “Hello Belle” sabi ni Rogi pagkasagot nya ng tawag “Sorry kasi iiwan ko kayo ng hindi nag papaalam pero may dahilan ako para gawin to! Please lang wag nyo na kong hanapin pa at paki sabi kay Kuya na okay lang ako wag syang mag alala sakin kasi ayos lang ako, magiging okay ako para sa inyong lahat! H-hindi kayo mawawala sa ala-ala ko pangako pero hindi ko masasabing babalik pa ko. Please Rogi paki sabi sa kanila na mahal na mahal ko kayo lalo na kila Mommy dahil alam kong masasaktan lang sya pag ako ang tumawg at nagsabi sa kanya, kaya ko to ginagawa kasi para din sa inyo sana maintindihan nyo tong sakripisyong ginagawa ko para sa inyo kasi ayokong mahirapan kayo ng dahil sakin, nang dahil sa sakit ko.  Rogi hanggang sa muli natin pagkikita kung magkikita pa tayo pagkatapos nito. Paki sabi kay Jd na mahal ko sya at sana patawarin nya ko sa lahat ng ginawa ko para itulak lang sya pero kailangan na din nya kong palayain simula ngayon, malaya na sya at sundin na nya ang gusto ng lolo nya. Hanggang sa muli, paalam sa inyong lahat sana maging masaya kayo kahit wala na ko dyan sa mga buhay nyo at alam kong magiging masaya kayo” sabi ko sa kanya at agad kong ibinaba ang tawag saka pinatay na ang cellphone ko saka ko binuksan ang bintana ng sinasakyan kong koste saka yon binalibag sa labas para hindi na nila ko ma-trace kung asaan man ako ngayon. Hindi pa din tumitigil sa pag tulo ang mga luha ko. Masakit sakin na iwanan sila pero wala na kong magagawa kasi buo na ang desisyon ko at eto lang ang alam kong pwedeng gawin sa ngayon "Stop crying Belle makakasama sayo yan” sabi nya sakin kaya kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang luha ko "Salamat Kuya dahil pumayag ka sa gusto kong to” sabi ko sa kanya "Belle alam mo pag nalaman ni Mark na ginawa ko to! Masasapak ako ng pinsan natin na yon lalo na nila Tito dahil itinakas kita sa kanila at kinunsinti sa gusto mong mangyari” sabi nya sakin "Sorry Kuya Jace madadamay ka pa tuloy dahil sa kagustuhan ko na to” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga ako. Si kuya Jace lang kasi ang naisip kong makakatulong sakin dahil hindi nila maiisip na matutulungan ako ni Kuya Jace kaya sya ang tinawagan ko, buti na lang pumayag sya. "Hey! Ginusto ko naman na tulungan ka pero ano ng balak mong gawin ngayon?” tanong nya sakin "Hindi ko pa alam pero kailangan ko  mag pahinga at mag pagaling bago ako umalis ng bansa” sabi ko sa kanya, alam kong mahirap tong naisip ko pero no choice ako kasi kung agad akong aalis ng bansa ng hindi nag iisip paniguradong mahahanap nila ko dahil sa mga koneksyon nila "Okay sige dun kamuna sa rest house nila Lola sa Laguna" sabi sakin ni Kuya Jace "Hindi kaya makita nila agad ako don kuya?” tanong ko sa kanya "Malabong mahanap ka nila don dahil iisipin nilang lahat na aalis ka agad ng bansa o mas malayo pa ang pupuntahan mo dahil may kasama ka saka mainam ng asa malapit lang tayo para kung magbago man ang isip mo andyan lang agad sila at hindi ka mahihirapan mag byahe” sabi nya sakin pero umiling ako dahil sa huling sinabi nya, hindi na ko babalik "Kuya wala ng magpapabago ng isip ko para bumalik at umatras sa plano ko na to" sabi ko sa kanya saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan nya. Hindi naman na kumibo pa si Kuya sa sinabi ko. Kuya Jayce was my cousin sa side ni daddy, my real dad. Pinsan sya namin ni Kuya Mark matanda sya sakin ng 3 years and 2 years kay Kuya Mark. Minsan lang kaming magkita ni Kuya Jayce at noong isang beses na makita ko sya doon nabuo ang plano ko at humingi agad ako ng tulong sa kanya at etong pag-alis namin na to ang naging perfect timing para isagawa namin ang plano na yon. Saka if ever na hanapin nila ko hindi nila pag hihinalaan si Kuya Jayce kasi wala naman nakaka-alam na andito sya sa Pilipinas ngayon. Lahat sila alam na asa Singapore pa sya and when the time comes na hanapin ako kay Kuya Jace alam na ni Kuya Jace ang gagawin nya. Saka hindi naman ako mag tatagal dito dahil kung magtatagal pa ko dito baka mahanap lang nila ko. Kayang kaya nilang ipahanap ako kaya kailangan ko ding makaalis agad. I will also need his help para maayos ko lahat ng papeles ko para makaalis ako, babaguhin ko din ang pangalan ko. Hindi naman babaguhin talaga, ibabalik ko lang sa dati kung ano ba talaga ang tunay kong pangalan at si Kuya Jace ang makakatulong sakin non dahil Abogado sya. Tama lang ung gagawin ko na to dahil Montes naman talaga ako hindi Co. "Kuya I need to discuss something important to you later when we arrive” sabi ko sa kanya "Okay walang problema, medyo malayo pa tayo kaya matulog ka muna. Don't worry hindi kita ibabalik sa kanina kaya matulog ka Belle dahil kailangan mong magpahinga para hindi ka atakihin” sabi nya sakin kaya tumango ako "Thank you Kuya for helping me and staying at my side!” sabi ko sa kanya at ngumiti “Don't mention it! Saka para saan pang pamilya tayo! You are our baby Isabelle kaya tutulungan kita” sabi nya sakin kaya ngumiti ako at hindi na kumibo pa. My real name is Isabelle Claire Montes, yan ang tunay kong pangalan na ibinigay sakin ng totoo kong magulang. Alam kong mahabang proseso ang mangyayari kaya kailangan ko talagang kausapin si Kuya tungkol don. Hindi ako pwedeng mag tagal dito ng sobrang tagal dahil mahahanap at mahahanap nila ko. Alam kong ang tanga ko para magtago sa kanilang lahat pero sana maintindihan din nila na kailangan ko to! Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ko pagkatapos kong maoperahan at ung lolo ni Jd alam kong gagawin nya ang lahat para lang mawala ako sa buhay ni Jd kaya sasakyan nya ang mga tao sa paligid ko tulad ni ate Devlin para lang mawala ako kaya ako na lang ang aalis, nagawa nya nga kay Krystal noon paniguradong magagawa nya din sakin ngayon, ayoko naman na madamay pa lahat ng mga kaibigan ko sa kasamaan ng lolo ni Jd. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Jd na sabihin sakin noon ang nangyari sa kanya dahil masyadong malupit ang lolo nya, I know that I'm so stupid by doing and saying this but I'm willing to sacrifice my love for Jd para sa lahat at para na din sa kanya. Mahihirapan lang sya kung mananatili ako sa tabi nya. Simula noong dumating si Krystal ramdam ko na hindi talaga kami ni Jd ang para sa isa’t isa, siguro nga pinagbigyan lang kami ng tadhana para magsama pero hindi kami ang nakalaan para sa isa’t isa. Ayoko ng mag-isip pa kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulong nagising na lang ako sa tawag sakin ni kuya Jace "Belle wake up, where here” sabi nya sakin kaya dumilat na ko at inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, dinala ako ni kuya dito sa sinasabi nyang rest house. Hindi pa ko nakakapunta dito at ngayon ko lang to nakita “Buti na lang wala sila Lola dito dahil asa bakasyon pa sila at pag nalaman nila yang ginawa mo sa tingin ko magagalit sila sayo” sabi nya sakin at alam ko naman yon "I know Kuya pero alam mo naman diba na kailangan ko to!" sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at tumango sakin “Oo, tara na at bumaba na tayo para maipagpatuloy mo na ang pagpapahinga mo” sabi nya sakin at bumaba na kami ng sasakyan nya, inalalayan nya ko pababa at naglakad na kami papasok sa loob ng bahay. May sumalubong samin ni Kuay Jace kaya tiningnan ko sya "Belle si manang Isay ang kasama mo dito para pag may kailangan ka si manang na ang bahala sayo naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat at wala syang pagsasabihan nito kahit na sino lalo na sila lola, hindi ako pwedeng madalas na pumunta dito dahil baka mabisto tayo! Tawagan mo na Lang ako pag may kailangan ka” sabi nya sakin kaya tumango ako “Yes Kuya pero wala akong gamot na nadala” sabi ko sa kanya kasi iniwan ko lahat ng gamit ko noong umalis ako “ako na ang bahala sa gamot at iba mo pang kailangan na gamit dito, bibili lang ako saglit ng gamot mo asa akin naman ang kopya ng reseta mo ngayon. Aalis na ko, manang kayo na po muna ang bahala sa kanya babalik din po ako agad at wag kayong magpapapasok ng kahit na sino hanggang wala ako” sabi nya samin kaya tumango ako at umalis na sya “Ija ung kwarto mo ayos na dahil nasabi na sakin ni Jace, pwede ka na munang magpahinga don habang iniintay sya” sabi nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya "Salamat po” sabi ko at umakyat kami sa taas saka pumasok sa kwartong tutuluyan ko, iniwan na ko ni Manang dito at agad akong naglinis ng katawan ko. Gusto ko na sanang magpahinga pero hindi pwede dahil may sasabihin pa ko kay Kuya Jace na importanteng bagay. Pagkatapos kong maglinis bumaba agad ako dahil baka nakabalik na si Kuya at asa baba na sya pero pagdating ko sa baba wala pa din sya "Ija may kalangan ka ba?” tanong sakin ni Manang kaya umiling ako "Wala po inintay ko lang po si Kuya Jace na dumating” sabi ko sa kanya kaya tumango sya "Sige kung ganon tawagin nyo na lang ako pag may kailangan kayo” sabi nya sakin kaya ako naman ang tumango "Sige po, salamat po saka po pala pwede pong pasabi kay Kuya Jace na asa garden lang po ako pag dumating na po sya at don na lang po nya ako puntahan” sabi ko kay Manang “Sige ija ako na ang bahalang magsabi sa kanya” sabi nya sakin kaya tumango ako at nagpunta na sa may garden. Malamig ang simoy ng hangin dito at may duyan kaya naglakad ako papunta don at umupo sa duyan habang iniintay si Kuya Jace. Habang wala pa sya nagmuni-muni muna ko. Bakit nga ba kailangan ko pa tong gawin kung pwede naman na ipaglaban na lang namin ni JD ang lahat pero mahirap nga lang saka madaming masasaktan, ayoko na din kasing ipilit pa ang isang bagay na alam kong sa huli parehas lang kaming masasaktan na dalawa, hindi naman lahat ng nagmamahalan sila talaga ang magkakatuluyan sa huli, dadating din minsan ung puntong kailangan mong isuko ang isang bagay na mahal mo para sa ikakabuti ng lahat. Alam kong sobrang tanga ko at walang ang kwenta ginawa ko ngayon pero sana lang talaga maging worth it lahat ng gagawin ko para sa kanila kasi kaya ko to ginagawa kasi gusto kong maging masaya ang mga taong mahal ko, gusto kong maging malaya na si Jd kasi kung ipagpapatuloy namin to masasaktan lang kami lalo. Ayokong lumayo pa sya sa pamilya nya. "Hey ang lalim na naman ng iniisip mo" sabi ni kuya Jace kaya napatingin ako sa kanya at kakadating lang nya "Kuya!" tawag ko sa kanya "Ito na ung gamot mo bago ka matulog wag mong kalimutan na inumin yan para walang mangyari sayo, hindi pa naman ako dito matutulog ngayon” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya "Alam ko kuya, nga pala may gusto akong sabihin sayo" sabi ko sa kanya “Anong gusto mong sabihin sakin?” tanong nya sakin kaya huminga ako ng malalim saka nag salita "I want to change my name back to my real name and if possible my identity saka lahat ng credentials ko kailangan kong ayusin at kailangan ko ang tulong mo don kuya Jace” sabi ko sa kanya at tiningnan sya "Belle!" tawag nya sakin at umupo sya sa tabi ko, alam kong sa pagtawag nya na yon nagrereklamo sya sa gusto kong mangyari. "Kuya gusto ko lang gamitin ung totoo kong pangalan para pag umalis ako hindi nila agada ko mahanap kasi alam kong hindi nila maiisip na magagawa ko pang magpalit ng pangalan ko at ng lahat ng credentials ko” sabi ko sa kanya, sa ganitong paraan kasi alam kong mas madali akong makakaalis pero alam ko din na mahirap na proseso lalo na ngayong nagtatago ako sa kanila. Hindi magiging madali to pero kailangan naming ipilit to para maging maayos ang lahat lalo na sa pag-alis ko ng banya, alam kong ngayon pa lang nakatimbre na ko sa lahat ng lalabasan ko kaya pag ginamit ko ang pangalan ko ngayon mapipigilan nila ko. Hindi ko naman iibahin ang pangalan ko ng walang dahilan, dito din naman ang punta ng lahat simula ng malaman kong hindi ako tunay na anak nila Mommy Beatrix at Daddy Damien. "Sige Belle pero mahabang proseso ang gusto mong mangyari lalo na kung aalis ka ng bansa dahil kailangan mo ng passport at ng visa” sabi nya sakin at alam ko yon, may tiwala ako sa kanya na magagawa nya to "You can do it Kuya Jace, kaya nga ikaw ang gusto kong umasikaso ng lahat ng to Kuya dahil alam kong mapapadali mo ung proseso ng lahat” sabi ko sa kanya, isa si Kuya Jace sa mga sikat na abogado dito sa bansa at alam kong magagawan nya to ng paraaan. Napabuntong hininag sya "Belle hindi ganon kadali ang lahat ng to, ako lang mag isa ang kikilos at alam mo ang impluwensya ng pamilya natin ganon na din ng mga taong nakapaligid sayo. Gagawa sila ng paraan para malaman kung asaan ka at nagtatago tayo Belle, sa oras na malaman nilang andito na ko sa Pilipinas paniguradong hindi nila ko titigilan para lang tumulong na mahanap ka at paniguradong maghihinala sila sakin kung hindi kita makita dahil alam nilang may koneksyon ako” sabi ni Kuya Jace sakin at tumayo sya kaya tumayo na din ako “Kuya may koneksyon ka at alam kong magagawa mo to” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Belle magagawa ko nga pero hindi ko kayang bilisan ang proseso nito dahil matagal ang aabutin nito dahil madaming legal action ang gagawin” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako. Alam kong kailangan ko tong gawin kahit delikado "I know a person who can also help us Kuya Jace” sersyosong sabi ko sa kanya kaya tiningnan nya ko “Sino?” tanong nya sakin “This person is the lease person that  they will think that can help me” sabi ko sa kanya. I need to contract that person as soon as possible, alam kong imposibleng tumulong sya pero kailangan ko sya at tutulungan nya ko dahil para to sa lahat. Etong tao lang na to ang makakatulong samin para itago ako sa kanilang lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD