The Senator’s Toy
Paano kung ang masakit na nakaraan na pilit mong kinalimutan ay bigla na lang bumalik sa isip mo?
Paano mo ito haharapin ng may tapang kung involve ang isang tao na sobrang minahal mo ng lubos ngunit kinamumuhian mo rin ng pareho?
Jellyana Amier never imagined that she would remember everything after one year of having amnesia.
Nasanay na siya na mabuhay na walang naalala sa nakaraan niya kahit isa. Na kahit buong pagkatao niya ay wala siyang alam.
Even her name...she was unsure if it was her real name.
Pero bakit bigla na lang niyang naalala ang lahat sa isang iglap? Na parang ang Diyos na ang gumawa ng paraan para maalala niya ang lahat?
Biglang gumuho ang mundo ni Jelly nang maalala niya kung paano siya saktan at kawawain ni Korei—ang asawa niya na sobra siyang kinamumuhian noon dahil nawala sa lalaki ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.
Kahit nagbago ang lalaki, hindi sapat ito na rason para kalimutan niya ang lahat ng sakit na ipinadama nito sa kaniya. Hindi sapat ang pagmamahal na pinapadama nito sa kaniya para mawala ang muhi na nadarama niya sa kaibuturan ng kaniyang puso na sobrang winasak siya!
She was once his w***e!
A w***e that satisfied his needs!
Pinagbabayad siya nito sa isang kasalanan na hindi niya ginawa!
Wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng dati nitong nobya!